was successfully added to your cart.

Cart

Bakit nga ba kailangan ang emergency savings?

Emergency o mga di inaasahang pangyayari na mapanganib, ang karaniwang dahilan ng malaking gastusin. Marami ang nababaon sa utang dahil walang emergency savings.

Sa totoo lang, ang tamang financial product na tugon sa emergency ay insurance. Ang emergency savings ay gagamitin lamang temporarily, kapag nakuha na ang insurance claim, gamitin ito para ireplenish ang emergency savings.

Gamitin ang emergency savings para umiwas sa utang. Alalahanin, ang emergency ay non-earning activity. Kaya kapag ginamit ang utang bilang tugon dito, tiyak ang kahirapan.

Kapag may emergency savings magkakaroon tayo ng oras para bumangon o makarecover. Hindi kinakailangang gumawa ng mabilisang desisyon. Di ba nga ang tumatakbo ng matulin, kung matusok ay malalim?

Kung may nakaseparate na emergency savings, hindi kinakailangang maisakripisyo ang ibang savings o investments na pinaglalaanan mo for your life goals tulad ng retirement, health fund, bahay at pag-aaral ng anak.

Always remember, emergency savings provides peace of mind and sense of security.

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: