Tara, pag-usapan natin ang tungkol sa fixed income securities. Ano ba ang mga ito? Itong mga fixed income securities, ito yung klase ng investments na masasabi nating nasa safer side. Ibig sabihin, nag-ooffer sila ng steady na pagdaloy ng returns sa periodical na basis. Madalas, ito’y sa pamamagitan ng interest at minsan, dividends. Halimbawa ng mga ito ay ang time deposit, Pag-IBIG MP2, bonds, money market funds, at preferred stocks. Lahat ng ito, kasama sa fixed income securities.
Use of fixed income securities by generation
Kung bago ka pa lang sa mundo ng investment, lalo na kung Zoomer ka, magandang simulan mo sa fixed income securities dahil bukod sa ito’y mas safe, maganda itong stepping stone habang nag-aaral ka pa lang ng pasikot-sikot sa investment.
Para naman sa mga millennials na naghahangad mag-secure ng pondo para sa pagbili ng bahay o pagtatayo ng education fund para sa mga anak, reliable ang fixed income securities. Karaniwan, itong mga millennial ay yung nasa kanilang 30s o early 40s.
Sa mga Gen X, katulad ko, mahalaga ang fixed income securities bilang bahagi ng investment diversification para balansehin ang risk at return at para rin mapaghandaan ang retirement.
Kung ikaw ay belong sa Boomer generation, yung ipinanganak mula 1946 hanggang 1964, mahusay din ang fixed income securities para mapreserve ang kapital at magkaroon ng steady stream of income pagdating ng retirement.
Time deposits
Time deposits, ito yung tipo ng deposito na maaari mong ilagak sa bangko o kooperatiba. May kasunduan na ilalagak mo ang iyong pera sa kanila at may takdang panahon kung kailan ito pwedeng iwithdraw. Pwedeng 3 months, 30 days, 7 days, o kahit hanggang 7 years.
Ang hindi alam ng karamihan, pwede mong i-preterminate ang iyong time deposit at mapreserve pa rin ang principal amount mo. Kapag nagwithdraw ka nang maaga, bababa lang ang interest sa regular interest rate.
Pag-IBIG MP2
Yung Pag-IBIG MP2 naman, tax-free ‘to at pang-long-term savings, tumatagal ng 5 years. Sino sa inyo ang wala pang MP2? Bago ka mag-dive sa ibang investments, subukan mo muna ang Pag-IBIG, lalo na ang MP2. Ang SEDPI, accredited collection agent ng Pag-IBIG simula pa noong 2018.
Joint Venture Savings
Isa pa sa mga savings option natin ay ang joint venture savings ng SEDPI Coop. Dito, may kalayaan kang pumili ng socially responsible investment na gusto mo. Pwede sa working capital, share capital, o sa real estate joint ventures ilagay ang iyong pera.
Hindi ito nakabase sa interest kundi sa dividends, na ibang paraan ng pagsasabi ng profit o loss sharing. Karaniwan, nasa parehong level lang ito ng kita kumpara sa bank deposits at T-bills. Pero, kailangan nating tanggapin na may posibilidad ng capital loss dito; walang katiyakan.
Para sa transparency, simula nang ilunsad natin ang SEDPI Coop Joint Venture Savings, sa kabuuang portfolio natin na umaabot sa 284 million, may isang pagkakataon na nagkaroon ng problema sa Red Slab Pottery na involved ang halagang ₱450,000. Hindi maiiwasan ang losses, pero hindi ito dahilan para panghinaan ng loob. Ipinagmamalaki namin na maliit lang ang ₱450,000 kung ikukumpara sa buong ₱284 million na portfolio.
Kung gusto niyong malaman ang listahan ng mga high yield joint venture savings natin, pwede kayong bumisita sa bit.ly/SEDPISRIs.
Retail Treasury Bonds
Ang gobyerno ang mangungutang sa atin sa pamamagitan ng Retail Treasury Bonds o RTB, kaya ito’y suportado ng buong kapangyarihan ng gobyerno sa pagbubuwis at pag-imprenta ng pera. Ibig sabihin, 100% secured ang investment mo.
Garantisado ito ng gobyerno, at ito’y programa para sa maliliit na investors tulad natin para ma-diversify ang ating mga investment at makatulong sa economic recovery ng bansa. Sana lang, hindi ito magamit sa corruption. Ang minimum investment dito ay ₱5,000 at susunod na mga investment ay in multiples of ₱5,000.
Money market funds
Tuloy natin sa money market funds, isa pang uri ng fixed income security. Pooled fund ito na pwedeng maglaman ng commercial paper, savings, o time deposits, at karaniwang inaayos ng mga bangko. Pero, hindi ito insured sa Philippine Deposit Insurance Corporation o PDIC, kaya mas mataas ang interest rate na maibibigay sa atin. Madalas ay madadagdagan ng 0.5% ang rate dahil iyan ang premium na binabayaran ng mga bangko sa PDIC.
Kapag pupunta sa bangko, tanungin mo kung may available silang money market fund. Minsan, ito rn ay tinatawag na special deposit account. Tandaan, hindi covered ng PDIC ang mga ito, pero mas malaki ang rate na pwede mong makuha,
Preferred stocks
Pagdating naman sa preferred stocks, ito rin ay bahagi ng fixed income securities. Ito ay uri ng equity na pwedeng i-trade sa stock market. Pero, hindi guaranteed ang earnings dito at wala kang voting rights. Kung sakaling magsara ang organization, una munang babayaran ang mga utang. Pagkatapos, ang mga preferred stockholders ang susunod na babayaran, bago ang mga common stockholders.
Benefits of fixed income securities
Ano ba ang gamit ng fixed income instruments? Nagbibigay ito ng regular income, proteksyon laban sa market volatility, pag-preserve ng capital, at highly liquid ito o madaling i-convert sa cash. Yan ang mga pangunahing benepisyo ng fixed income securities sa atin.
Ako si Sir Vince, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aarlan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent