was successfully added to your cart.

Cart

Bagong PhilHealth Rates: Sakit sa Ulo o Lunas sa Kalusugan?

Mga KaSosyo at KaNegosyo, pag-usapan natin ang pagtaas ng PhilHealth premium. Mula sa dating 2.75% noong 2019, umakyat na ito sa 5.00% para sa mga taong 2024 hanggang 2025 alinsunod sa Universal Health Care Act o RA 11223. Sa blog na ito, sisikapin kong bigyan kayo ng malinaw na paliwanag at gabay sa pag-navigate sa dagdag na ito.

 

Reaksyon ng Masa: Pag-unawa sa Sentimyento

Napakahalaga ng kalusugan, pero marami sa atin ang biglang napaisip sa pagtaas na ito. Sabi nga nila, “Iimprove muna ang serbisyo bago taas,” at “Depende, kung dagdagan nila ang mga benefits,” di ba? At sa isang poll na ginawa sa aking YouTube channel, sa 1,200 na mga KaSosyo at KaNegosyo na sumagot sa tanong na “Sang-ayon ba kayo sa pagtaas ng PhilHealth contribution?” – ang sabi ng 15% ay “Oo,” 82% ang sumagot ng “Hindi,” at 5% ang may tugon na “Wala akong paki.”

Iba-iba ang kanilang reaksyon – may pagkadismaya, may pag-aalala, at may ilang walang pakialam. Mahalaga ang bawat opinyon dahil ang pagbabagong ito ay hindi lamang isyu ng pera kundi ng ating kalusugan at kinabukasan. Hindi ito tungkol sa kung sino ang tama o mali, kundi kung paano tayo magsasama-sama upang pagandahin ang serbisyo ng gobyerno sa kalusugan.

 

Epekto sa sahod

Sa bagong premium rate na 5% para sa taong 2024-2025, kung ikaw ay may monthly income na ₱25,000, ang monthly contribution mo ay ₱1,250. Ang maganda rito, kung ikaw ay empleyado, hati kayo ng iyong employer sa bayarin na ‘yan. Ibig sabihin, ₱625 lang ang galing sa iyo, at ₱625 ang ng employer, kada buwan.

Para sa ating mga kababayang Overseas Filipino Workers, practicing professionals, at self-earning individuals, 100% ng premium rate ay kanilang sasagutin. Kaya medyo mas masakit sa bulsa dahil mas ramdam nila.

 

PhilHealth premium payment exemptions

Hindi lahat ay kinakailangang maghulog sa kaban ng PhilHealth. Ilan sa mga exempted sa pagbayad ng kontribusyon ay ang ating mga kababayang may kapansanan, mga senior citizen na walang trabaho, mga retiradong may naipong hindi bababa sa 120 kontribusyon, at mga miyembrong kabilang sa sponsored at indigent members na ang bayad ay sinasagot ng gobyerno o mga pribadong sponsors.

 

Aligned with budgeting rule

Mahalaga na balikan natin ang diwa ng ating 5-15-20-60 budgeting rule. Sa ating patakaran na ito, 5% ng ating kita ay inilalaan natin para sa insurance, at ito nga ang tumutugma sa bagong premium rate ng PhilHealth. Habang maaaring mabigat ito sa iba, ito ay isang hakbang patungo sa mas matatag na pondo para sa ating kalusugan.

 

Mabuting kalusugan para sa bawat Pilipino

Ang layunin ng PhilHealth ay malinaw: siguruhin na ang bawat Pilipino, mula Batanes hanggang Tawi-Tawi, ay may access sa social health insurance. Isipin natin ito hindi lamang bilang dagdag gastos kundi isang pagtutulungan para sa kalusugan. Dito, ang mayayaman ay nakakatulong sa mahihirap, ang mga nakababata ay sumusuporta sa mga nakatatanda, at ang mga malulusog ay nagbibigay kalinga sa may mga karamdaman.

Hindi tayo kanya-kanya sa PhilHealth, mga KaNegosyo at KaSosyo. Tayo ay nagkakapit-bisig, nagtutulungan upang ang kalusugan ng bawat isa ay maging matatag. At sa bawat kontribusyon natin, parte tayo ng mas malaking layunin—ang kalusugan para sa lahat, saan man sa Pilipinas.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: