was successfully added to your cart.

Cart

Hangad ng marami ang magkaroon ng matiwasay at masaganang retirement. Kung mapapaaga ito kaysa sa 60 years old retirement age, mas maganda.

In fact, marami sa mga millennials at Gen X ang naghahangad ng mas maagang retirment. Kapag tinatanong ko ang mga millennials, nais nilang mag-retire sa edad 40 samantalang sa mga Gen X naman 50 years old ang target age for retirement.

Tinatawag na people on FIRE o financially independent retiring early ang mga taong nais mag-retire financilly nang mas maaga.

Ibig sabihin ng financial freedom

Sa aking financial life stages framework, walang kinalaman ang edad sa retirement. Nakabase ito sa kakayahan ng passive income mo na i-cover ang iyong napiling lifestyle hanggang abutan ka ng kamatayan.

Hindi rin ibig sabihing titigil na sa pagtatrabaho kapag financially retired na. Ibig sabihin lang ay mapipili mo na kung anong gusto mong pagkaabalahan na hindi iniisip ang financial gains mula dito dahil kailangan mo pa ito to survive.

Narito ang mga milestones para magiging on FIRE.

Emergency savings

First thing first, ang mga people on FIRE ay may sapat na emergency savings equivalent to 9 months of their expenses. Nakalagay ito sa safe, secure and liquid account na maaring makuha anytime. 

Read: Saan dapat nakalagay ang emergency fund.

Adequate insurance coverage

May sapat na health insurance ang mga people on FIRE. Kung magkakasakit sila ay hindi ito magiging sanhi ng kahirapan dahil covered ng insurance. As a rule of thumb, ginagamit ko ang 1 year worth of salary bilang amount ng benefit sa health insurance.

Optional ang life insurance. Kailangan lamang ito kung may dependents o may maipapasang utang. Ang rule of thumb ko naman dito ay up to 10 years of annual salary dapat ang face amount na makukuha ng beneficiaries.

Read: Anong insurance ang kailangan mo?

Stable passive income

Ang pinaka-crucial at pinakamahalagang magkaroon para mapabilang sa mga people on FIRE ay ang sapat na passive income na kayang tustusan 100% ang expenses. Passive income ang income na kinikita kahit hindi nagtatrabaho o maliit lang ang effort tulad ng rent, interest, dividend, capital gains, royalty at pension.

Mas maganda kung mas malaki ang passive income kaysa expenses para siguradong kaya nitong sumabay sa pagtaas ng inflation.

Choose simple lifestyle

In my opinion, madali namang makamtan ang FIRE status. Ang susi o ang sikreto ay ang pagpili ng simpleng lifestyle. 

Alalalahanin na lifestyle = expenses. Kung magarbo ang napiling lifestyle, mas malaki ang gastusin. Mas malaki ang kakailanganing passive income at investment portfolio. Dahil mas malaki ang investment portfolio, madedelay ang paggiging FIRE status.

Surround yourself with people who aspire to be on FIRE para magkaroon ka ng support group para dito.

Good luck!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: