was successfully added to your cart.

Cart

Appliance buying tips: How to make wise choices to save money

Mga KaSosyo at KaNegosyo, handa na ba kayo sa mga payo na magpapabago ng inyong shopping habits? Opo, tungkol ito sa pagbili ng appliances na hindi lang basta-basta, kundi yung tipong mapapamura ka, a la Juan Karlos, sa tuwa dahil sa laki ng matitipid mo!

 

Una sa lahat, ‘wag magpadala sa hype ng mga bagong models na inilalabas taon-taon. Alam niyo ba na yung mga appliances na last year’s model, halos pareho lang naman ang features pero mas mura? ‘Yun ang tinatawag nating wise buying. Bakit ka bibili ng bagong labas na model kung yung lumang model, kasing ganda rin naman at mas swak pa sa bulsa?

 

Eto pa, cash is king pagdating sa pagbili ng appliances. Bakit? Kasi mas makakamura ka. Alam niyo ba na pag installment, may patong ‘yan. Oo, may interest. Kaya kung hindi kaya bilhin in cash, baka di mo talaga afford ang bagay na yan, or malamang over budget ka na. Ibig sabihin, hindi pa siya para sayo. Maghintay ka muna, mag-ipon. Mas masarap gamitin ang bagay na pinaghirapan at pinag-ipunan kaysa inutang, ‘di ba?

 

At syempre, sa panahon ngayon, importante ang pag-compare ng prices online. Mag-research ka muna. Maraming deals na pwede mong mahanap sa internet, pero ‘wag kang padadala agad-agad. Mag-ingat sa mga too good to be true na offers.

 

Panghuli, ito ang ultimate tip – pagkatapos mong bumili, uninstall agad ang mga shopping apps sa phone mo! Bakit? Para iwas tukso, iwas impulse buying. Sa ganitong paraan, mas mamamanage mo ang iyong finances nang maayos.

 

Tandaan, sa bawat pagbili ng appliances, isipin hindi lang ang iyong pangangailangan, kundi pati na rin ang iyong kapasidad na magbayad. Hindi lang basta-basta magagandang features ang hinahanap natin, kundi yung value for money.

 

Kaya mga KaSosyo at KaNegosyo, gamitin natin ang ating kaalaman sa matalinong pagbili ng appliances. Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro at your service. Laging tandaan, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: