Ang gamit ng credit card ay hindi para umutang; ginagamit ito bilang cash replacement. Dahil sa misconception na ito, marami ang hindi nakakapagbayad ng kanilang credit card at nababaon sa utang.
Anong mangyayari kung hindi nakapagbayad ng credit card sa tamang oras.
Interest, fees at penalties
Kapag hindi ka nakapagbayad sa tamang oras sa credit card, agad papatawan ng credit card company ang outstandign balance mo ng interest, penalties, late fees at maari pang ibang fees depende sa pinirmahan mong kontrata sa kanila.
Tatawagan para paalalahanang magbayad
Sunod na mangyayari ay tatawagan ka ng customer representative ng bangko upang ipaalala sa iyo ang due date ng credit card at kung magkano ito. Kapag hindi mo pa rin nabayaran, itatag ka ng bangko bilang delinquent.
Iba-block ang credit card
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang delinquency ay non-repayment of minimum amount due required within twi cycle dates. Dahil isang buwan ang karaniwang isang cycle date, ito ay usually 60 days.
Kapag umabot ka na dito, iba-block na ng credit card company ang credit card mo upang hindi mo na ito magamit.
Demand letter mula sa bangko
Papadalhan ka ng bangko ng demand letter upang i-settle ang kabuuang halaga ng credit card statement. Kung hindi pa rin ito mababayaran, ipapasa ka na ng bangko sa collection agent.
Collection agent
Sa loob ng 180 days na hindi ka nakakabayad sa bangko, itinuturing na ng bangko na lugi o loss ang iyong account. Ibinebenta nila ang account mo sa collection agency sa masa mababang halaga upang ang collection agency na ang mangongolekta.
Notice of legal action
Karaniwang mas agresibo sa pangongolekta ang mga collection agents. May mga nagsasabing nambabastos ang mga ito, nagmumura at namamahiya. Bagay na ginawan ng aksyon ng BSP kaya nagkaroon ng consumer protection guidelines para protektahan ang nangutang.
Hindi makukulong
Nakasaad sa ating bill of rights sa 1987 Philippine Constitution na walang sinuman ang makukulong dahil sa utang. Ayon sa mga kaibigan kong abogado, hindi criminal offense ang pangungutang basta walang pandaraya o panlilinlang na ginawa.
Hindi rin maaring gawing pambayad sa utang ang pagkakakulong.
Negative credit history
Kung tuluyang kakalimutan ang pagbabayad sa credit card, magkakaroon ng negative credit history sa mga financial institutions. Nagbibigayan kasi ng “negative list” na listahan ang mga bangko at asosasyon ng mga credit card companies.
Maari ding bumaba ang credit score mo.
Buhay na walang credit card
Tanggapin ang buhay na parating gamit ang cash sa pagbabayad kung hindi mababayaran ang utang sa credit card. Mawawala ang convenience at security na dulot ng credit card payments.
Disapproved bank loans
Iposible ding makakuha ng bank loans para sa bahay o sasakayan kung may record na hindi nabayarang credit card. Gaya ng sabi ko kanina, kapag tagged as delinquent ang pangalan mo idadagdag ang pangalan mo sa “negative list” shared by different banks.
Kaya kapag susubok na kumuha ng loan kahit sa ibang bangko, automatic na rejected ito o disapproved dahil may history ng hindi pagbabayad.
Pay full statement balance
Parati kongn paulit-ulit na sinasani ba ang mga taong may kakayahang magbayad ng full amount kada buwan ang mga may karapatan lamang magkaroon ng credit card. Kung hindi ito kaya, huwag munang kumuha ng credit card.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent