Pagdating sa mga klase ng investors, mayroong traditional na pag-uuri kung saan tinitingnan kung ang isang investor ay aggressive o conservative. Mayroon ding tinatawag na purpose-driven investors na nakatuon sa profit versus goal, at ang social investors na may puso sa social impact at environmental protection.
Self-assessment
Magkakaroon tayo ng self-assessment para malaman ang ating preferences sa pag-iinvest. Meron tayong tatlong tanong na dapat sagutin. Irate niyo ang inyong sarili mula isa hanggang apat gamit ang sumusunod na scale: 1 para sa strongly disagree, 2 sa disagree, 3 sa agree, at 4 sa strongly agree. Tandaan, ilista o inote ang inyong mga sagot sa cellphone o papel dahil kakailanganin niyo ito mamaya.
Unang tanong, gaano ka komportable sa pag-take ng calculated risks para makamit ang mas mataas na returns, na alam mong ang mas mataas na potential returns ay madalas na may kasamang mas mataas na risks? Ikaw ba ay agree, disagree, strongly disagree, o strongly agree dito?
Pangalawa, mas mahalaga ba sa iyo ang earnings mula sa iyong investment kaysa sa kung paano mo ito gagamitin? Ibig sabihin, ang kita mula sa investment ang iyong priority at secondary lang kung saan ito gagamitin.
At pangatlo, naniniwala ka ba na ang pag-generate ng returns ang pangunahing layunin ng iyong mga investments kahit na ito’y walang kontribusyon sa positive social impact o environmental protection?
Aggressive versus conservative
Kung komportable ka sa pag-take ng calculated risks para sa mas mataas na returns, at tanggap mo ang posibilidad ng higher risks at higher losses. Ikaw ay maaring isang aggressive investor. Sa kabilang banda, yung mga sumagot ng one or two ay maaaring conservative investors.
Mas binibigyang halaga ang seguridad ng investment kaysa sa returns ng conservative investor. May prinsipyo sila na mas mahalaga ang mapanatiling buo ang pera at hindi ito mabawasan, na nagbibigay ng kapayapaan ng isip na ang perang pinaghirapan ay ligtas. Pero kadalasan ang ganitong klase ng investor ay madalas na takot at may pagdududa sa investments at talagang ayaw magkaroon ng losses. Tama nga naman, dahil ang pera ay bunga ng ating paghihirap kaya’t nararapat lamang na ito’y ating ingatan.
Sa kabilang banda, ang aggressive investor ay yung mas pinapahalagahan ang returns kaysa sa seguridad ng investment. Handa silang harapin ang mga losses at confident sa kanilang mga investments.
Investment risks
Subjective at relative ang investment risks, Depende ito sa kaalaman at kasanayan ng investor. Walang tiyak na paraan upang eksaktong masukat ang risks sa finance at economics dahil kung susubukang imitigate lahat ng risks, maaaring mas malaki pa ang gastos kaysa sa benepisyong makukuha. Hindi praktical ang ganitong scenario kasi lugi. Kaya ang pag-manage ng risks ay pinagsamang art at science.
Sa hypothetical na boxing match sa pagitan ko at ni Manny Pacquiao, sino ang pipiliin? No doubt, si Manny ang dapat piliin. Maski ako, kay Manny tataya dahil sa kanyang kasanayan sa boxing. Ang risk level sa scale na 1 (lowest) and 10 (highest), ay 1 para kay Manny at 10 para sa akin. Malayo.
Kung English grammar ang paglalabanan. Mas mataas ako nang bahagya kay Manny sa 7 at siya siguro ay nasa 5. Malapit ang score pero may tsansa akong manalo. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng skills at expertise sa paggawa ng investment decisions.
Ang pagkilala sa risk, pagtukoy sa lokasyon nito, at pagsukat sa posibleng lawak ng pagkawala o pinsala ay mahalagang bahagi ng risk analysis. Sa halimbawang ito, ang risk sa boxing ay itinuturing na mas mataas kumpara sa English grammar batay sa potensyal na pinsala.
Gusto ko ring bigyang-diin na mahalaga ang pagtukoy sa likelihood o probabilidad na mangyari ang isang risk o panganib. Tulad ng pagpili ko sa paglaban kay Manny sa English kaysa sa boxing dahil mas mataas ang tsansa na magtagumpay sa una kaysa sa huli.
Kaya para sa akin, ang madalas na naririnig na kasabihang “high risk, high returns,” ay hindi kumpleto. “High risk equals high returns OR high losses,” dapat ito, upang mas maunawaan ang tunay na ibig sabihin ng risk sa konteksto ng investments.
Profit-driven versus purpose-driven
Kung ang sagot a tanong na ‘mas mahalaga ba sa iyo ang earnings mula sa iyong investment kaysa sa kung paano mo ito gagamitin?’ ay 3 or 4. Maaring ikaw ay profit-oriented investor. Kung 1 or 2 ang sagot, maaring ikaw ay purpose-driven investor.
Hindi mahalaga ang pagiging aggressive o conservative investor dahil ito ay nakabatay sa emosyon. Kundi, ito ay nakabatay sa pagkakaroon ng malinaw na layunin o purpose sa pag-invest.
Halimbawa, dapat bang iinvest ang educational fund ng anak mo sa stock market? Ang sagot dito ay hindi dahil hindi tayo sigurado kung sa panahon na mag-aaral na ang anak mo ay up or down ang market. Ang education ay basic need kaya hindi dapat ipinagsasapalaran ang pondong nakabudget para rito.
Ang pagiging purpose-driven na investor ay nangangahulugan ng pagiging maingat at pagkakaroon ng siguradong paraan sa pag-iinvest na hindi nalalagay sa panganib ang pera. Walang kinalaman ang pagiging conservative or aggressive investor dito. Ang mas mahalaga ay sa panahon na kailangan natin ang pondo para sa purpose o life goal natin, ay nandiyan ang pera para makamit natin ito.
Conventional versus social investor
Kung ang sagot a tanong na naniniwala ka ba na ang pag-generate ng returns ang pangunahing layunin ng iyong mga investments kahit na ito’y walang kontribusyon sa positive social impact o environmental protection?’ ay 3 or 4. Maaring ikaw ay conventional investor. Kung 1 or 2 ang sagot, maaring ikaw ay social investor.
Sa panahon ngayon na ramdam na ramdam na natin ang climate crisis, hindi dapat optional ang social and environmental impact sa ating investment decisions. Ito dapat ay mahalagang bahagi ng ating pagpili.
This would make good business sense in the future dahil buhay ang mga customers kung may positive social impact ang produkto at serbisyo; at may source ng raw materials mula sa kalikasan para imanufacture ang mga produkto at serbisyo. Sustainability ang tawag dito.
SEXY investment framework
Ang SEXY investment framework ay binubuo ng mga sumusunod na elemento: secure, encashable, may X-factor na tumutukoy sa social at environmental positive impact, at saka yield or returns ang huling tinitingnan. Ipinapahiwatig nito na sa pag-i-invest, dapat unahin ang seguridad, liquidity, at positive impact bago ang potensyal na kita.
Mahalaga ang pagpapanatili ng ating halaga at prinsipyo sa pag-iinvest. May mga halimbawa ng mga indibidwal na sinasamantala ang mga pyramid scams para kumita ng malaki sa maikling panahon, ngunit ito ay sa kapinsalaan ng marami. Dapat hindi isakripisyo ang moral na prinsipyo para lamang sa pansariling pakinabang.
Ang mensahe ay malinaw: ang pagiging isang investor ay hindi lamang tungkol sa pagkamit ng financial na mga layunin, kundi pati na rin sa pagpapanatili ng integridad at pag-ambag sa positibong social at environmental impact. Ang pagiging purpose-driven o social investor ay nagpapahiwatig ng isang mas mataas na antas ng responsibilidad, kung saan ang mga pangarap o life goals ay nakakamit habang pinapanatili ang positibong epekto sa lipunan at kapaligiran.
Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent