was successfully added to your cart.

Cart

Ano nga ba ang Mga Katangian ng Magandang Investment?

Ano ba ang characteristics ng good investments. Ayon sa Miriam Webster, ito yung outlay ng pera natin usually for income or for profit. Same din ang definition sa Cambridge dictionary, pero hindi lang money ang iniinvest, kasama pati ang effort at time. Kapag titingin tayo sa ibang definitions, sinasabi na if we’re investing, although we know that we might incur losses, pero the expectation is for favorable future returns.

 

Social investments

Siyempre, hindi ko naman maiwasan na i-push ‘yung pagkakaroon ng socially responsible investments. Ayon sa definition natin kanina, ‘yung investment ay about money, effort, and time na inilalagak natin for favorable returns. Pero, dapat laging kasama dito ‘yung positive social o environmental impact, kasama ng magandang financial return. Hindi natin gusto na yumaman tayo dahil sa paghihirap ng iba, ‘di ba?

 

Investment misconceptions

Marami ang nagsasabi, “Ayaw kong mag-invest kasi complicated, risky, parang sugal lang ‘yan at para lang ‘yan sa mayayaman. Time-consuming pa.” Pero alam n’yo ba, ‘yung complicated at risky, napag-aaralan ‘yan para ma-mitigate. ‘Yung designed only for the rich at time-consuming, napagtutulungan ‘yan. Dapat involve mo ‘yung family mo sa pag-aaral about investments, hindi ‘yung ikaw lang.

 

Admittedly, lalo na sa mga SEDPI Coop members, hindi naman lahat sa atin mayayaman. Pero pag tayo’y nagtutulungan, nakakapag-invest tayo nang sama-sama at nakakakuha ng better financial returns. ‘Yung pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan, ‘di ba?

 

Benefits of investing

Ano ba ‘yung benefits ng investments? Ang benefits, nakakagenerate tayo ng income, hopefully, natatalo natin ‘yung inflation, at napapalakas ‘yung purchasing power ng pera.

 

Ito, medyo controversial, ‘yung mga investors usually mas mababa ‘yung tax rates nila kumpara sa tax ng mga nagtatrabaho. So may tax benefit din ang investments. Para sa akin, dapat pantay lang ang tax para mas magamit ito sa social development ng gobyerno.

 

Kung maganda ang takbo ng ating investments, makaka-afford tayo ng mas mataas na standard of living. Ultimately, ito’y maghahatid sa financial empowerment.

 

3 Categories of investments

Tatlo ang categories ang investment natin: lending, ownership, at entrepreneurship, o ‘yung pagtatayo ng sariling negosyo.

 

Sa lending investments, tayo ay nagpapautang. Pinapahiram natin ang pera natin sa isang indibidwal o organisasyon at kumikita tayo sa pamamagitan ng interest. Ano ‘yung mga halimbawa nito? Meron tayong savings accounts, time deposits, money market accounts, at mga bonds.

 

Sunod ang ownership investments, kung saan tayo’y nagiging part-owner ng isang negosyo pero hindi natin ito directly na pinapatakbo. Pwede tayong mag-invest sa business partly or buo. Mga halimbawa dito ay stock investing, land banking, real estate management, at joint ventures.

 

Ang ikatlong category ay entrepreneurship. Ito ‘yung proseso ng pag-design, pag-launch, at pag-run ng business venture with the hope na mag-generate ito ng financial returns. Hindi lang capital ang kailangan dito, kundi pati ‘yung market opportunities, produkto na gusto ng market, at effective management ng resources para kumita.

 

Steps in investing

Ito ang mga steps sa investing: (1) Mag-invest sa sarili, (2) Gumawa ng financial plan, (3) Kumuha ng government mandated benefits, (4) mag-save at kumuha ng insurance, at (5) bago mag-invest, research muna—’yung mabuting pag-aaral bago maglagak ng pera.

 

Invest in yourself

Ano ibig sabihin ng mag-invest sa sarili? Gusto natin matuto ng bago. Mag-invest sa ating kaalaman, palawakin ang network. Kasama rin dito ang pag-aalaga ng kalusugan. Ano’ng halaga ng pera kung hindi ka healthy, di ba? Kailangan talagang mag-invest sa health.

 

Gumawa ng financial plan

Ang second step sa investing ay ang paggawa ng financial plan. Noong November, nagkaroon tayo ng training webinar tungkol dito. Dadaanan lang natin ‘yung mga steps. Kailangan mong alamin kung nasaan ka na financially.

 

Ano ‘yung starting point mo? Kailangan nating malaman para ma-assess natin ang iyong financial health. Parang diagnosis ito ng baseline mo. Tapos, magse-set tayo ng life goals at priorities. Magde-decide tayo ng time frame at budget, at i-match natin ang financial goals sa ating income sources. Pagkatapos, i-implement na natin ang financial plan.

 

Get government-mandated benefits

Ang third step sa pag-invest ay ‘yung sa government mandated benefits. Importante ito dahil foundational structure ito ng ating financial health. ‘Yung PhilHealth, huwag natin itong pabayaan kasi responsibilidad natin ‘yan at tulungan para sa lahat. Kahit ‘yung mga OFW, lagi niyong tatandaan, kahit wala kayo dito, ‘yung mga kamag-anak niyo sa Pilipinas ay tinutulungan ng universal healthcare. ‘Yung Pag-IBIG, ito ang savings program natin, at ‘yung SSS para sa retirement pension. Ang OWWA mainly para sa repatriation ng OFWs.

 

Sapat na savings

Fourth step sa investing ay ang pagkakaroon ng sapat na savings at insurance. Dapat, ang emergency savings ay katumbas ng siyam na monthly expenses mo. Halimbawa, kung ₱100,000 ang gastos mo kada buwan, ₱900,000 ang dapat na emergency savings mo. Pwede mong ikalat ‘yan sa iba’t ibang savings accounts, gaya ng sa commercial banks na may ATM o online function para madaling ma-access kung emergency. Time deposit, Pag-IBIG MP2, government bonds, at money market fund o bond fund—yan ang mga options mo.

 

Adequate insurance

Sa insurance, tandaan natin na ang insurance ay for protection at hindi investment. Kailangan mong isaalang-alang ang iyong general status in life at mga risks na hinaharap mo. Ako, halimbawa, ‘yung mga magulang ko ay naoperahan na sa puso, kaya kumuha ako ng critical illness rider sa term insurance ko na sasakop sa cardiovascular diseases, kasi sa palagay ko ay darating din ang panahon na kakailanganin ko ‘yan.

 

Kung may dependents ka, kailangan mo talaga ng life insurance. Iconsider mo rin kung meron kang unencumbered assets. Ano ba ‘yung unencumbered assets? Ito ‘yung mga ari-arian na hindi naisangla o naipangako sa iba. Kasi kung marami kang ari-arian na pwedeng idispose kung sakaling wala ka na, ito’y pwedeng gamitin para sa mga naiwan mong dependents. Kaya hindi kailangang bumili ng sobra-sobrang insurance kung meron ka namang assets na pwedeng gamitin. Titingnan mo rin ‘yung financial goals mo at ‘yung kakayahan mong magbayad ng premiums para sa insurance.

 

Research before you invest

At ‘yung huling step, research muna tayo bago mag-invest. Magbasa ng mga libro, dumalo sa seminars. At ‘pag tayo ay mag-i-invest, huwag lang nating tanggapin agad ‘yung impormasyon na binibigay ng nagbebenta ng investment. Verify natin ito sa independent sources at disinterested parties—’yung mga walang stake sa organization para makakuha tayo ng objective na view sa investment na papasukin.

 

Pwede rin tayong kumuha ng testimonies mula sa ibang tao para malaman ‘yung kanilang experiences.

 

Use SEXY investment framework

At syempre, ang framework na gagamitin natin sa pag-invest ay ‘yung SEXY investment framework. ‘Yung SEXY, ‘yung S ay para sa secure, E ay encashable o liquid, X ay ‘yung X-factor na dapat positive ang social at environmental impact ng investment. At ‘yung Y ay yield or returns. Pero ang uunahin natin dito ay ‘yung SEX—security, encashability, at ‘yung X-factor—bago natin isipin ‘yung Y, ang returns.

Kaya iniimbita ko kayo na maging SEXY investor. Ang pagyaman napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: