Ilang beses ko nang narinig sa mga OFWs na mafoforeclose ang kanilang bahay at lupa dahil ipinahiram nila ito sa kanilang kamag-anak na ginamit bilang collateral. Hindi nakapagbayad ang kamag-anak dahilan ng foreclosure.
May iba ring ina-“assume” ang obligasyong ng pagbabayad sa bahay at lupa na nakapangalan sa kamag-anak. Pagkatapos ay hindi pala ibinabayad ng kamag-anak ang piapadalang pera para ditto, kaya natutuloy sa foreclosure.
Ang isang masaklap na narinig ko pa ay in-“assume” ng OFW ang pagbabayad ng bahay at lupa; pagkatapos ay ibinenta na pala ng kamag-anak ito sa iba. Nawala na ang inihulog, nawala pa ang ari-arian.
Separate emotional issues from financial issues
Lagi kong inuumpisahan ang payo ko sa mga sitwasyong ito sa pag-aayos muna ng emotional at personal na mga issues bago ayusin ang usapin sa pera. Wala kasing maayos na kahihinatnan ang diskusyon kung hindi inaayos ang emotional and personal issues.
Kapag naayos na ito, saka ayusin ang prolema sap era.
Judicial versus extra-judicial foreclosure
Balikan ang dokumentong pinirmahan dahil dito nakabase ang mga kailangang gawin. Karaniwang extra-judicial ang nilalagay ng mga financial institutions sa foreclosure procedure na nangangahulugang hindi na kailangang dumaan sa korte ang foreclosure proceedings.
Ang judicial foreclosure naman ay kinakailangang dumaan pa sa korte bago ma-foreclose ang property.
Ano ba ang foreclosure?
Foreclosure ang tawag sa karapatan na akuhin ang ari-arian at ibenta ito bilang kabayaran sa obligasyon sa pinagkakautangan. Maari itong tao, korporasyon, association o bangko.
Ginagawang bayad sa utang mo ang mapagbebentahan ng ari-arihan.
Rebate or deficiency
Kapag naibenta na ang ari-arian, gagamitin itong pambayad sa utang at sa lahat ng fees, penalties at charges na nakasaad sa kontrata. Kung sapat ang pinagbentahan para i-cover ang mga ito, mawawala na ang utang.
Deficiency ang tawag sa sitwasyon na kulang ang napagbentahan. Kapag may deficiency, hahabulin pa rin ng nagpautang ang kakulangan upang mapunan ito.
Maaring magkaroon ng rebate kung sobra ang pinagbentahan kumpara sa total loan obligation. Maaring makakuha ng rebate o balik ang umutang sa ganitong sitwasyon kung nakasaad sa kontrata.
Laging basahin kung ano ang pinpirmahan upang masiguro ang mga ito.
One year redemption
May pagkakataon pang ma-redeem ang foreclosed property sa loob ng isang taon mula sa date of sale ng property. Pagkatapos lamang ng period na ito magkakaroon ng karapatan ang buyer na akuhin ang foreclosed property.
Sa panahong ito, maari mong bayaran ang kabuuang pagkakautang upang hindi ma-foreclose ang property.
Mag-ingat sa transaksyon sa kamag-anak
Kadalasang dala ng awa at tiwala sa kamag-anak kaya humahantong sa ganitong sitwasyon ang problema sa bahay at lupa o anumang ari-arian. Always remember na mas mahalaga ang relationships kaysa masira ito dahil sa pera o ari-arian.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent