was successfully added to your cart.

Cart

Ang Tagumpay ni Xernes Martinez: Isang Inspirasyong Kwento ng Pag-Asenso sa SEDPI KaSosyo

By January 18, 2023 Uncategorized

Xernes, financially free at 43!

Si Xernes Martinez ay isang matagumpay na SEDPI KaSosyo member na nakapagpatayo ng dalawang apartment sa Ilocos Norte. Take note. Hindi siya nangutang! Nagmula ang kaniyang tagumpay sa kaniyang determinasyon at tiyaga, pati na rin sa gabay na ibinigay ni Sir Vince, ag kaniyang financial “guro.”

Nagtrabaho bilang conciergesa hotel si Xernes mula 2002 hanggang 2008 at naging events organizer mula 2010 hanggang 2016. Sa simula pa lang ng kaniyang journey as an OFW sa Dubai, nagsimula na siyang mag-ipon at mag-invest sa SEDPI. Bumalik siya sa Pilipinas noong 2017 at nagtayo ng kaniyang unang apartment. Ngayong 2023, nakapagpatayo na siya ng kaniyang pangalawang apartment at maituturing nang financially retired.

Ang susi sa kaniyang tagumpay ay ang sumusunod:
• Naging smart kuripot – pinili ang simpleng pamumuhay
• Pag-iwas sa investment scams
• Inilalaan ang pagtaas ng kita sa pag-iimpok at pag-iinvest
• Pagbili ng lote at pagpapatayo ng apartment

Upang makapag-ipon para sa lote at construction ng unang apartment, ginawa ni Xernes ang mga sumusunod:

  • Nag-ipon hanggang sa abot ng kaniyang makakaya – master na siya sa delayed gratificatin.
  • Nag-invest sa SEDPI Joint Venture Savings (JVS) sa loob ng 10 taon
  • Nag-withdraw ng kaniyang SEDPI JVS upang bumili ng lote at magpatayo ng apartment
  • Ang kaniyang high school friend na naging contractor ay tumulong sa kaniya sa pagpapatayo ng apartment


Bagama’t inabot ng sampung taon ang kaniyang pag-iipon, ang return on investment (ROI) ng kaniyang apartment ay 80 buwan o 12.5% per annum ang returns. Ang construction cost kasi ay PhP4,000,000 at ang buwanang rental income ay PhP50,000. Hayahay ang buhay dahil katumbas na ito ng kalahti sa suweldo niya sa Dubai sa mga panahong iyon.

Inipon niyang muli ang mga kinitang rental income sa unang apartment kasama ng iba pang ipon mula sa kaniyang trabaho dito sa Pinas para makapagpatayo ng pangalawang apartment. Siyempre, ginawa niya ang pag-iipon sa pamamagitan ng SEDPI Joint Venture Savings bilang KaSosyo member.

Ang kwento ni Xernes ay isang inspirasyon at ehemplo ng tagumpay para sa mga OFW at iba pang naghahangad ng maunlad na buhay. Ang kaniyang sipag at tiyaga, pati na rin ang tamang pag-iinvest sa SEDPI, ay nagbunga ng isang maunlad na bukas para sa kaniya at sa kaniyang pamilya.

Unang apartment ni Xernes, naipatayo noong 2017.


Pangalawang apartment ni Xernes, naipatayo noong 2022.


Ginawang bahay ni Xernes ang third floor ng kaniyang pangalawang apartment kung saan siya naninirahan ngayon bilang financially retired.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: