Mga KaSosyo at KaNegosyo, ano ang common denominator nina LeBron James, Beyonce, at Warren Buffet? Magagaling sila sa kani-kanilang larangan, ‘di ba? Pero, may isa pang grupo na nagpapakita ng galing – ang mga bansang mahuhusay sa pag-handle ng kanilang Sovereign Wealth Funds (SWFs). Kaya sana wag papahuli ang Pilipinas, ating alamin ang mga sikreto nila sa likod ng kanilang mga “magic wallets.’
Best practices sa SWF management
Ang best practice ay mga effective and ethical management strategies na subok at napatunayan na sa pagpapatakbo ng iba’t-ibang funds. Kasama sa mga best practice ang pagkakaroon ng malinaw na mga layunin para sa fund. Para lang itong karera, bago ka tumakbo, alam mo na dapat kung saan ang finish line.
Hindi rin mawawala ang mahusay na governance at operational frameworks. Sa madaling salita, malinaw dapat ang linya ng responsibilidad at kontrol, at epektibo ang decision making process and implementation.
At siyempre, napakahalaga ng transparency at accountability. Kailangan may regular public reporting, independent audits at strong oversight mechanisms. Para lang itong reality show tulad ng Big Brother House, kailangang alam ng madla ang mga nangyayari at kailangang may mekanismo para sa mga checks and balances.
Norway’s Government Pension Fund Global: Ang Poster Boy ng Transparency
Sa hanay ng mga bansang kinikilala sa pagiging masinop sa pagpapatakbo ng kanilang SWFs, hindi mo talaga maaring hindi mamention ang Norway, at ang kanilang Government Pension Fund Global. Kung tutuusin, ito ay parang sikat na artista na laging hakot sa awards. Kilala ito dahil sa mataas na transparency at matibay na governance structure. May istrikto itong patakaran sa ethical investment tulad ng pagbabawal ng ng investment sa sigarilyo, mga weapons for mass destruction at pagsira sa kalikasan.
Temasek Holdings at Government of Singapore Investment Corporation: Dynamic Duo
Sa Singapore, hindi lang isa kundi dalawa ang kanilang SWFs: ang Temasek Holdings at GIC. Parang Batman and Robin lang – tandem para doble sa lakas. Ang mga funds na ito ay pangunahing pinopondohan ng foreign reserves ng Singapore. Ang kanilang pangkalahatang layunin ay palakasin ang ekonomiya ng Singapore at tiyakin ang kagalingan ng mga susunod na henerasyon. Kilala sila mga malinaw na strategic investments sa iba’t-ibang sector, both domestically and internationally.
Abu Dhabi: Oil is life, pero diversification is lifer!
Nagmula sa oil revenues ang pondo ng Abu Dhabi Investment Authority (ADIA). Ang pangunahing layunin nito ay idiversify o paramihin ang pinagkukunan nila ng kita para hindi maging dependent sa langis. Non-renewable resource kasi ang langis di ba? Kaya kilala ang ADIA sa malawak na investment portfolio sa iba’t ibang sektor at iba’t ibang klase ng asset sa iba’t ibang bansa. May prudent risk management din ito na ginagawa sa pamamagitan ng pasinsinang pagsusuri ng mga potential investments at monitoring ng portfolio.
Models para sa Pilipinas
Malinaw na na malinaw na malaki ang pwedeng matutunan ng Pilipinas mula sa mga best practices ng Norway, Singapore at UAE. Sana hindi lang tayo sa Miss Universe magaling di ba?
Sa ating bansa, kung saan ang bawat sentimo ng kaban ng bayan ay mahalaga, ang mga best practices na ito ay dapat tularan. Ang transparency, accountability, at malinaw na governance ay mga susi para maiwasan ang korapsyon. Habang ang maingat na pagpapatakbo at matalinong pag-iinvest ay makakatulong para mamaximize ang benefits na mapupunta sa ating mga kababayan at hindi sa bulsa ng iilang mayayaman.
Ang hamon para sa atin ngayon ay kung paano natin ito isasakatuparan. Walang magic na mangyayari, ngunit sa tamang direksyon at pagsusumikap, tiyak na maabot natin ang ating mga layunin.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent