was successfully added to your cart.

Cart

Ang apat na mukha ng ‘magic wallet’: Mga uri ng Sovereign Wealth Funds (SWF)

Mga KaSosyo at KaNegosyo, balik na naman tayo sa ating usapang pang-ekonomiya! Ang inyong financial guro, nandito na naman upang gabayan kayo sa mga hiwaga ng pera at puhunan. Para sa ating topic ngayon, anu-ano ang apat na uri ng ‘magic wallet’ o Sovereign Wealth Funds (SWFs). Oo, iba-iba sila tulad ng sa Pokemon, kaya’t sama-sama natin silang tuklasin!

 

Savings funds: Ang alkansiya ng mga bansa

Ang savings funds ay ginagawa para itransform ang mga non-renewable resources, tulad ng langis, sa iba’t-ibang uri ng mga international assets. Ang layunin nito ay pangalagaan ang yaman para sa kinabukasan kapag naubos na ang non-renewable resources. Halimbawa nito ay ang Government Pension Fund Global ng Norway, na nag-iinvest ng kita mula sa langis para sa kabutihan ng mga susunod na henerasyon.

Kung may alkanisya ang Norway, dapa mayroon din tayo, ‘di ba? What do you think?

 

Stabilization funds: Ang seatbelt ng ekonomiya

Ang stabilization funds ay ginagamit upang protektahan ang ekonomiya mula sa mabilis na pagtaas a pagbaba ng presyo ng commodities at iba pang economic shocks. Nagtatabi ito ng pera mula sa surplus revenue o sobrang kita sa panahon ng mataas na presyo ng commodity at inilalabas ito sa panahon ng economic downturns para tulungan na maging stable ang kita ng gobyerno. Kumbaga may pandagdag sa budget during the “rainy day” season.

Halimbawa nito ang Russian National Wealth Fund, na itinatag upang suportahan ang kanilang pension system. Parang seatbelt ng ekonomiya ang stablization fund. Kahit wild ang pagtaas at pagbaba ng presyo ng langis, steady lang ito dahil may “seatbelt” na nagbabalanse sa kanilang federal budget.

 

Pension reserve funds: Ang life vest sa pension obligations

Ang pension reserve funds ay ginagamit bilang buffer upang tulungan ang pag-fund ng future pension liabilities or obligations. Hindi ito ginagamit para punan ang mga pension contributions. Karaniwang iniinvest ito sa diversified portfolio ng mga assets upang makalikha ng steady return sa paglipas ng panahon – isang safety net. Ang Australian Future Fund ay isang halimbawa ng pension reserve fund. Kumbaga ito ang life vest ng mga Australians para hindi sila malunod sa pension liabilities and obligations in the future.

 

Strategic development SWFs: Ang compass ng domestic economic goals

Layunin ng strategic development SWFs na ipatupad ang specific domestic economic at policy objectives, tulad ng pagdevelop ng specific sectors, pagpromote ng economic diversification, o pagpaparami ng trabaho sa bansa. Para itong compass na nagtuturo kung saan tayo papunta – hopefully sa landas tungo sa kaunlaran para sa lahat at hindi sa iilan lamang.

Madalas na nag-iinvest ang strategic development SWFs sa domestic industries at infrastructure. Ang Ireland Strategic Investment Fund, halimbawa, ay tumututok sa mga sectors na magbibigay ng economic at employment benefits sa Ireland.

Yan ang mga laman ng ating ‘magic wallet’ o iba’t-ibang uri ng Sovereign Wealth Funds. Abangan natin sa susunod na blog kung paano napopondohan ang mga ito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: