was successfully added to your cart.

Cart

Alam mo ba ang MF, UITF, ETF at VUL?

Ano nga ba ang pooled funds?

Ito ay isang basket of investments mula sa iba’t ibang investors na pinamamahalaan ng isang professional fund manager. Sa pagbabayad ng fees, inaatasan natin ang fund manager na pumili at magmanage ng investments para sa atin.

 

Ang kita o lugi ng investment fund ay ipinapasa ng fund manager sa investor. Walang losses sa mga fund managers dahil kumikita sila purely on a commission basis.

 

Anu-ano ba ang mga karaniwang pooled funds sa Pilipinas?

 

Kasama dito ang Mutual Funds (MF), Unit Investment Trust Funds (UITF), Exchange Traded Funds (ETF), at ang Variable Universal Life (VUL). Alam niyo na ang stand ko. Iwas tayo sa VUL ha? Mapapagastos ka lang diyan sa laki ng fees and commissions.

 

Pagdating sa mga uri ng pooled funds, meron tayong stock o equity funds, bond o fixed income funds, money market funds, at balanced funds. Ang stock o equity funds ay nakatuon sa stock market, samantalang ang bond o fixed income funds ay sa mga securities tulad ng bonds mula sa korporasyon o gobyerno. Ang money market funds ay karaniwang may maturity na isang taon, kaya mas mababa ang return nito. Ang balanced fund naman, pinagsasama ang money market, equity, at bond funds.

 

MF versus UITF

Kapag pinag-uusapan ang MF at UITF, pareho silang pooled funds, pero may pagkakaiba sa pagpapangalan. Ang mutual fund ay isang mutual fund company, tulad ng Pag-IBIG o ang Home Development Mutual Fund. Kaya kung mayroon kang Pag-IBIG, technically, may investment ka na sa mutual fund.

 

Kadalasan, ang UITF ay ino-offer ng mga bangko. Ang pag-manage dito ay ginagawa ng isang trust professional, hindi tulad sa mutual fund na managed by a fund manager. Sa mutual fund, shares ang binibili mo, habang units naman sa UITF. Pagdating sa fees, may entry at management fee sa mutual fund, samantalang sa UITF, karaniwang management fee lang ang meron. Pero may na-experience ako recently sa isang UITF na may exit fee kung kukunin mo ang pera mo within one month. Kaya siguraduhin mo na kaya mong hintayin yung one month na yun.

 

Sa mutual fund, isa kang shareholder, ngunit sa UITF, hindi. Ibig sabihin, may voting rights ka sa mutual fund, pero wala sa UITF. Sa mutual fund, may dividends, ngunit sa UITF, wala. Pareho silang open-ended sa liquidity at time frame, na ibig sabihin, madali kang makakawithdraw kahit kailan dahil wala itong fixed maturity. Importante ring tandaan na pareho silang hindi covered ng PDIC insurance.

 

Sa aspeto ng regulasyon, ang SEC ang nagre-regulate sa mutual funds, habang ang BSP naman sa UITF. Pagdating sa buwis, hindi tax exempt ang UITF, pero exempted sa tax on capital gains ang mutual fund, kaya mas may tax advantage ang pag-invest sa mutual fund. Sa pagbili ng investments, sa mga licensed mutual fund agents ka dapat lumapit para sa mutual funds, at sa trust representatives ng bangko naman para sa UITF.

 

Is pooled fund for you?

Tandaan, ang bawat uri ng pooled fund ay may kanya-kanyang katangian at potensyal na maaaring magdala ng iba’t ibang antas ng kita o lugi. Kaya’t mahalaga na maglaan ng oras sa pag-aaral upang makapagpasya nang tama. Alalahanin na dapat imatch ang investment ayon sa investment purpose mo.

 

Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: