Mga KaSosyo at KaNegosyo, usapang seryoso muna tayo ngayon. Nais ko lang pag-usapan kung gaano kalaki ang hamon ng affordable housing dito sa Pilipinas, at kung sapat ba ang ginagawa ng gobyerno para dito.
Alam n’yo ba na mataas talaga ang demand for affordable housing? Isa sa mga dahilan ay ang mabilis na paglago ng ating populasyon. Sabi nga, “Ang hilig-hilig nating mag-anak, di ba?” Dagdag pa dito, marami rin ang lumilipat sa urban areas, at dumadami ang mga informal settlers. Opo, tama ang pagtawag, ‘informal settlers’ at hindi ‘squatters’ – mas diplomatic ‘yun.
Napansin n’yo ba, kung gaano kaunti ang supply ng affordable housing? Isang malaking problema talaga, lalo na’t mahal ang lupa at construction costs. At grabe rin ang regulatory constraints. Halimbawa, yung amin, sa pagpapatayo ng socialized housing, ramdam na ramdam ang hirap. Sa dami ng mga requirement ay panghihinaan ka ng loob na magpatuloy sa proyekto. Mayroon ding kakulangan sa affordable housing finance, kakaunti lang ang nagbibigay ng financing para dito. Actually, maraming available, pero super taas naman ng interest. Hindi makatarungan para sa mga hirap na sa buhay.
Isa pang dahilan ng housing crisis ay ang pagtingin ng mid hanggang high-income groups sa pabahay bilang investment at hindi tirahan. Malakas itong pressure sa pagtaas ng presyo ng real estate sa bansa. Mas nakakabawi rin ang mga real estate developers sa pagpapatayo ng kalsada, drainage at iba pang amenities sa mid to high-end market segments dahil may kakayahan silang magbayad. Dahil dito, mas pinipili nilang mag-focus sa kanila dahil mas kikita sila dito. Ito ay nagdudulot ng imbalance sa supply at demand sa affordable housing, lalo na para sa low-income families.
Kapag tiningnan natin ang annual housing supply and demand, malaki talaga ang unserved market. Ayon sa HLURB, noong 2020, may deficit tayo na 550,000 units sa mass housing kada taon. Pero sa mid-cost at high-end housing, sobra-sobra naman ang supply na umaabot ng 125,000 units. Nakakalungkot, di ba? Yung mga nangangailangan, walang mahanap na bahay. Sa mga may kaya, sobra-sobra naman. Nasaan ang katarungan?
Ayon sa Department of Housing Settlements and Urban Development, mahigit 6.5 million na ang housing backlog natin simula 2022. At ang target ng gobyerno ay gumawa ng 6 na milyong units kada taon. Pero noong first year, 165,498 units lang ang na-finance at na-produce. Malaki talaga ang hamon na hinaharap natin.
Kaya ang tanong: Ano ang pwedeng gawin? Para sa akin, dapat mag-offer ang gobyerno ng 0% loans sa mga kumikita ng mas mababa sa ₱20,000 kada buwan na gustong bumili ng bahay. Sa affrodable housing, dapat ang gobyerno na ang aako sa pagpapagawa ng road network, drainage at iba pang imprastraktura para hindi na ito bawiin pa ng real estate developers sa mga bibili ng bahay. Hindi talaga kakayanin ng isang karaniwang pamilyang Pilipino na pasanin ang mabigat na cost of development na ito.
Syempre, hindi natin pwedeng kalimutan ang mga magsasaka. Napakahalaga rin na magkaroon ng housing para sa kanila. Sa ngayon, hindi tinatanggap ang agricultural land bilang collateral para sa pagpapatayo ng bahay. Kaya naman, madalas iniwanan na lang ng mga magsasaka ang kanilang mga sakahan at lumilipat sa urban areas. Kung tatanggapin ang agricultural land bilang collateral, matutulungan natin silang manatili sa kanilang lupa, na magpapalakas rin sa sektor ng agrikultura ng ating bansa.
Maganda rin kung mabibigyan ng tax incentives ang mga organizations na gumagawa ng socialized housing at padaliin ang proseso ng pagkuha ng mga permits at baguhin ang zoning regulations. Istandardize din sana ang housing design para mas mapadali ang production at magkaroon ng industriya para sa supply chain nito.
Sa huli, mahalaga talaga na magkaroon ng maayos na pabahay para sa lahat, lalo na sa mga low-income families. Kailangan nating magtulungan para matugunan ang malaking hamong ito.
Ako si Sir Vince ang inyong financial guro, nagsasabing, ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent