was successfully added to your cart.

Cart

6 na tips sa financial planning mula sa inyong financial guro

Mga KaSosyo at KaNegosyo, kumusta? Ako si Sir Vince, ang inyong financial guro. Bilang gabay sa inyong journey sa pagyaman, nandito ako para magbahagi ng anim na practical na tips sa financial planning. Let’s go!

 

  1. Gawing written masterpiece ang inyong financial plan

Ang unang tip ay simple lang pero super effective: Isulat ang financial plan at pag-usapan ito sa pamilya. Sa papel dapat nakalagay ang lahat – anu-ano ang mga life goals natin, saan tayo kumikita at mga pinagkakagastusan natin. Kunin natin ang family approval. Isipin natin ito bilang script sa pelikula ng ating buhay – kapag naka-plot out ang lahat, mas madali nating maaachieve ang ating mga goals!

 

  1. Focus sa tatlong life goals

Susunod na tip: Iprioritize ang mga life goals. Limitahan lamang ang mga ito sa tatlo kada taon. Tandaan, hindi natin kailangan habulin ang lahat ng dreams natin sabay-sabay. Bigyan natin ng paliwanag kung bakit mahalaga ang bawat life goal. Sa ganitong paraan, kapag may temptasyon na gumastos o mangutang, handa na tayo with an explanation.

 

  1. Ang secret ng long-term success: Early preparation

Tip number three: Maghanda nang maaga. Kapag pinaghahandaan natin ang ating mga pangarap, mas madali itong maabot. Sa utang, ikaw ang nagbabayad ng interest; sa ipon, ikaw ang binabayaran ng interest. Therefore, mas kumikita ka kapag naghahanda nang maaga at nagpaplano for the long term.

 

  1. Surround yourself with the right people

Ang fourth tip ko para sa inyo ay tungkol sa ating social circle. Palibutan natin ang ating sarili ng mga taong pala-ipon, pala-invest, hindi pala-utang. Sila ang magiging inspirasyon natin na magpatuloy sa ating financial journey.

 

  1. The power of automation

Ang fifth tip ay para sa ating peace of mind. Gumawa tayo ng sistema para automatic ang pag-iipon, pag-iinvest at pati na rin sa pagbabayad ng utang, kung mayroon. Kapag automatic na ang lahat, hindi na tayo mastre-stress sa tuwing kailangan nating magdecide kung ano ang gagawin natin.

 

  1. BOLO: Balance Of Luxuries and Obligations

At ang huling tip: BOLO is key. Ang BOLO o Balance Of Luxuries and Obligations, ay ang secret formula para sa isang balanseng buhay. YOLO or You Only Live Once plus YAGO or You Also Grow Old equals BOLO.

 

Sa pagbalanse ng mga needs at wants natin, at pagkilala na minsan kailangan nating mag-enjoy at minsan ay kailangan nating mag-ipon para sa ating kinabukasan, tiyak na magiging mas successful tayo sa ating financial journey.

 

Kahit ano pang dumating na pagsubok, hawak ninyo na ang mga sikreto para sa successful na financial planning. So, mga KaSosyo at KaNegosyo, let’s get ready and navigate our financial journey with confidence.

 

Ang pagyaman, napag-aaralan at napagtutulungan!

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: