Hindi natin in-expect na ganito kalaking pinsala ang maidudulot ng COVID-19 sa ating ekonomiya at pamamaraan ng pamumuhay. Higit sa lahat, isa itong tunay na banta sa ating kalusugan.
Idinidiin lamang ito na sa kahit na anong oras, kahit na masakit o ayaw nating isipin, maaari tayong magkaroon ng malubhang sakit o madisgrasya. Sa ayaw man natin o hindi, maaari tayong kunin ni Lord anytime (knock on wood).
Knowing this, ang unang tanong na mapupunta sa ating isipan ay: Paano na ang mga umaasa sa atin? Ang ating mga magulang, kapatid o mga anak?
‘Pag ikaw nawala, paano na sila?
Dito natin makikita ang kahalagahan ng life insurance. Sa madaling salita, isa itong protection laban sa risk ng pagkakaroon sakit o kamatayan, kagaya ng COVID-19.
Kapag may insurance ka, mas confident ka dahil given the set of unfavorable circumstances, makakareceive ng insurance claims ang mga dependents mo. Mas makakatulog ka ng mahimbing.
Hanggang ngayon, maraming nagtatanong sa akin kung ano ba ang best insurance company sa Pilipinas. Bagama’t hindi ako nagrerekomenda, gumagawa ako ng life insurance ranking bawat taon base sa key ratios na nagpapakita kung gaano katatag ang isang insurance company.
Kagaya noong nakarang taon, ang ranking na ginawa ko ay nakabase sa tatlong ratios – capital adequacy, return on assets at return on equity. Ito ang mga mahahalagang analytical ratios na makukuha base sa readily available data from Insurance Commission para sa taong 2019.
Capital adequacy
Para makita ang katatagan ng isang kumpanya, ang ginagamit ko ay ang capital adequacy ratio at ang formula nito ay Net Worth / Assets. Pinapakita ng capital adequacy ratio kung gaano kalaki ang equity o kapital mayroon ang isang kumpanya kumpara sa kaniyang mga ari-arian o assets. Habang mas malaki ang kapital, mas matatag.
Return on assets
Ang Return on Assets (ROA) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya na maging efficient para mas malaki ang kita.
“Mean and lean,” iyan ang karaniwang itinatawag sa mga negosyong kumikita ng malaki pero hindi naman nangangailangan ng malaki ding ari-arian o assets. Kumbaga, mas maganda kung malaki ang kita galing sa maliit na assets.
Halimbawa, ang isang restaurant na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon assets ay mas magaling kaysa sa isang kapwa restaurant na kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng assets.
Kino-compute ang return on assets sa formula na Net Income / Total Assets. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpaniya naman ay may 2% return on assets ratio.
Habang tumataas ang return on assets ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang magandang return on assets ratio ay nakakapagdulot sa katatagan nito dahil ang maayos na kita ay nangangahulugan ng mainam na pagpapatakbo at masaganang benta.
Return on Equity
Ang Return on Equity (ROE) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya kumita gamit ang sariling kapital.
Halimbawa ang isang negosyo na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon na equity ay mas magaling kaysa sa isang negosyong kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng equity. (Watch: Paano kumikita ang negosyo)
Kino-compute ang return on equity sa formula na Net Income / Total Equity. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpanya ay may 2% return on assets ratio.
Habang tumataas ang return on equity ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang tatlong components ng return on equity o Du Pont ay return on sales, asset turnover at asset to equity ratio.
Ang return on sales ay nagpapakita ng laki ng ipinatong sa ipinagbibiling produkto o serbisyo (patong). Ang asset turnover naman ay nagpapakita kung gano kabilis magamit ng negosyo ang kaniyang ari-arian kumpara sa laki ng benta nito (ikot). Ipinapakita naman ng asset to equity ratio kung gaano kagaling gumamit ng pera ng iba ang negosyo (laway).
Habang lumalaki ang “patong”, bumibilis ang “ikot” at dumarami ang paggamit sa “laway” sa negosyo, mas bumubuti ito. Ipinapakita sa larawan sa itaas ang formula ng bawat isa at kapag ito ay pinagsama-sama, ang matitira ay net profit o net income over equity – ang formula ng return on equity.
Ranking of conventional life insurance
Gumawa ako ng point system kung saan nag-assign ako ng points sa tatlong financial ratios – – capital adequacy, return on assets at return on equity. Ten points ang pinakamataas at zero o wala ang pinakamababa. Makikita sa table ang scoring system na ginawa ko.
Ang highest number of points ay 30 points.
Disclaimer
Let me make this clear. This is not a recommendation nor an advice. When you click next, you agree to the terms of use.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management
Mga bagay na dapat mong malaman sa insurance
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Mga bagay na dapat mong iwasan sa insurance
Ito ang listahan ng mga articles na isinulat ko at videos na nagawa ko tungkol sa VUL para makakuha tayo ng mas sulit at mas epektibong insurance coverage.
- Bakit mahal ang VUL?
- Bakit mas maganda ang BTID kaysa VUL?
- Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment
- Paanong mas maliit ang fund value sa VUL kaysa sa BTID?
- Ok ba talaga ang VUL kasi protected ka nito beyond 65 years old compared to term?
- Ok ba talaga ang VUL para sa estate taxes?
- Why Not VUL?
- Anong gagawin ko kung may VUL na ako? Paano ko ito ititigil?
- Pagkakaiba ng savings sa VUL
- Mga terms and conditions na kailangang hanapin kung bibili ng VUL
- Paano pumili ng mabuting insurance agent
Different kinds of investments
Preparing for retirement
Watch videos on money management
Get in touch with Sir Vince
Join online groups of Sir Vince
I am text block. Click edit button to change this text. Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.