was successfully added to your cart.

Cart

2018 Top Life insurance companies sa Pilipinas

By March 18, 2020 Insurance

Base sa readily available documents ng Insurance Commission (IC), mararank natin ang mga life insurance companies base sa kanilang inireport na total assets, net worth, paid up capital, premium income and net income. Base sa datos na ito, makaka-compute na tayo ng mga financial ratios para makita kung aling insurance company ang matatag.

Gusto ko lang iemphasize, bago ko ipakita ang computation and ranking na ginawa ng SEDPI team, na hindi kasama sa readily available mula sa IC ang amount of claims at ang number of individuals covered. Napakahalaga ng 2 impormasyon na ito na sana mas makakapagpaganda ng ating analysis kung alin talaga ang matatag and at the same time MAAASAHAN na insurance company.

Matatag versus maasahan

Ang matatag na insurance company ay may malusog na kita, malaking capital at magaling magbenta. Hindi basta-basta magsasara ang insurance company na may ganitong katangian.

Pero para sa akin, hindi sapat ang pagiging matatag lang. Dapat ang isang insurance company din ay maaasahan.

Ibig sabihin, malaking bahagi ng kaniyang expenses ang pagbibigay ng claims sa madali at mabilis na paraan. Madami rin itong nabibigyan ng proteksyon. Maari kasing matatag nga ang isang insurance company pero hindi naman ito maasahan dahil sa baba ng pagbibigay ng claims, hirap ng proseso at tagal ng paghihintay.

Insurance as not for profit

Damayan ang tawag ng mga Tagalog sa insurance. Saranay ito sa Ilocano, dayong sa Bisaya at takaful sa Islam. Ito ang katutubong insurance practice natin bago tayo naimpluwensiyahan ng capitalist mode ng insurance.

Not for profit ang damayan, saranay, dayong at takaful; kabaliktaran ng conventional insurance na siyang talamak at sinusuportahan ngayon.

In my VERY STRONG opinion. (Haha, I guess by now alam niyo nang ako ay very much biased for preferential option for the poor.) Hindi dapat pinagkakakitaan ang insurance na siyang bonggang-bonggang kayamanan. Ito dapat ay not for profit dahil ang primary purpose nito ay protection against vulnerabilities, emergencies and uncertainties.

Sapat lang dapat ang kinikita upang macover ang costs of operation at magbigay ng fair commissions sa agents. Gagamitin dapat ang karamihan sa premium para sa claims at pagpapalaki ng pondo bilang paghahanda sa maaring malaking sakunang mangyari ngayon.

Mutual benefit associations

Dito pumapasok ang mga mutual benefit associations (MBAs). Ang mga MBA ay karaniwang nagbibigay ng microinsurance products and services. Ang mga miyembro ng MBA mismo ang nagmamay-ari ng MBA.

Hindi nito layong kumita para magbigay tubos sa mga miyembro. Bagkus ay magbigay ng proteksyon sa panahon ng emergencies at kalamidad sa mga miyembro.

Kaya sila ang sinusuportahan ko. Bago mo pa makita ang listahan ng ranking ng life insurance companies, ang listahan ng 35 MBAs na registered sa IC ang una niyong makikita. Ito ay para makilala niyo sila at iconsider na pagkunan ng life insurance.

Sa industry report ng IC, nasa 32% lang ng kabuuang premium income ang nagagamit ng mga for-profit life insurance companies para sa claims. Halos doble ang sa mga MBAs na nasa 59%.

Ang ibig sabihin nito, mas ginagamit ng mga MBAs ang nakokolektang premium para sa claims ng mga members nito. Ito ay dahil not-for-profit sila at mas pinipiling magbigay ng kinakailangang protection benefits tulad ng death, accident at disability sa mga miyembro.

Kung ikaw ay kumikita ng PhP20,000 pababa, swak na swak ang mga MBA para sa iyo. I suggest na sa kanila kumuha ng insurance products.

Para sa mas mataas ang kita sa PhP20,000 ikuha niyo ng insurance sa MBA ang mga kamag-anak niyong kulang ang proteksyon. This will be the best help that you can give them instead na utangan nila kayo pag nangyari ang di inaasahan.

Cooperative insurance

 May dalawang cooperative insurance companies na lisensiyado ng IC – CLIMBS at CISP. Wish ko lang ay mag-merge sila para mas maging matatag.

I am linked with CLIMBS at ang organisasyon ko, SEDPI, recently signed and agreement with them to provide insurance products to low income households and Overseas Filipinos. Itinuturing ko pa ring not-for-profit ang CLIMBS dahil ang nagmamay-ari nito ay purely primary cooperatives.

Ang primary cooperatives ay pagmamay-ari ng mga miyembro nito na hindi base sa konsepto ng kapitalismo kundi sa kooperasyon at demokrasya. Marami sa mga miyembro ng kooperatiba ay kabilang sa batayang sector at low income households.

Kapag kumita ang CLIMBS, mabibigay itong dibidendo sa primary cooperatives. Ang kita ng primary cooperatives ay mapapasa ding dibidendo o benepisyo sa mga miyembro ng kooperatiba na gaya ng nabanggit ko ay kabilang sa batayang sector at low income households.

Compared sa mga conventional insurance companies, 52% ang claims to premium income nito noong 2018. Mas malapit sa performance 59% ng mga MBAs kaysa sa maliit na 32% ng mga conventional insurance companies.

Kung interesado kayong malaman ang produkto naming with CLIMBS, punta lang sa Vince Rapisura page messenger at i-type ang CLIMBS, click send, read information and follow instructions.

Capital adequacy

Ang ranking na ginawa ko ay nakabase sa tatlong ratios – capital adequacy, return on assets at return on equity. Ito ang mga mahahalagang analytical ratios na makukuha base sa readily available data from IC.

Para makita ang katatagan ng isang kumpanya, ang ginagamit ko ay ang capital adequacy ratio at ang formula nito ay net worth / assets. Pinapakita ng capital adequacy ratio kung gaano kalaki ang equity o kapital mayroon ang isang kumpanya kumpara sa kaniyang mga ari-arian o assets. Habang mas malaki ang kapital, mas matatag.

Return on assets

Ang Return on Assets (ROA) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya na maging efficient para mas malaki ang kita.

“Mean and lean,” iyan ang karaniwang itinatawag sa mga negosyong kumikita ng malaki pero hindi naman nangangailangan ng malaki ding ari-arian o assets. Kumbaga sa maganda kung malaki ang kita galing sa maliit na assets.

Halimbawa ang isang negosyo na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon assets ay mas magaling kaysa sa isang negosyong kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng assets.

Kino-compute ang return on assets sa formula na Net Income / Total Assets. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpaniya naman ay may 2% return on assets ratio.

Habang tumataas ang return on assets ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang magandang return on assets ratio ay nakakapagdulot sa katatagan nito dahil ang maayos na kita ay nangangahulugan ng mainam na pagpapatakbo at masaganang benta.

Return on Equity

Ang Return on Equity (ROE) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya kumita gamit ang sariling kapital.

Halimbawa ang isang negosyo na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon na equity ay mas magaling kaysa sa isang negosyong kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng equity. (Watch: Paano kumikita ang negosyo)

Kino-compute ang return on equity sa formula na Net Income / Total Equity. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpaniya ay may 2% return on assets ratio.

Habang tumataas ang return on equity ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang tatlong components ng return on equity o Du Pont ay return on sales, asset turnover at asset to equity ratio.

Ang return on sales ay nagpapakita ng laki ng ipinatong sa ipinagbibiling produkto o serbisyo (patong). Ang asset turnover naman ay nagpapakita kung gano kabilis magamit ng negosyo ang kaniyang ari-arian kumpara sa laki ng benta nito (ikot). Ipinapakita naman ng asset to equity ratio kung gaano kagaling gumamit ng pera ng iba ang negosyo (laway).

Habang lumalaki ang “patong”, bumibilis ang “ikot” at dumarami ang paggamit sa “laway” sa negosyo, mas bumubuti ito. Ipinapakita sa larawan sa itaas ang formula ng bawat isa at kapag ito ay pinagsama-sama, ang matitira ay net profit o net income over equity – ang formula ng return on equity.

Ranking of conventional life insurance

Gumawa ako ng point system kung saan nag-assign ako ng points sa tatlong financial ratios – – capital adequacy, return on assets at return on equity. Ten points ang pinakamataas at zero o wala ang pinakamababa. Makikita sa table ang scoring system na ginawa ko.

Ang highest number of points ay 30 points.

Disclaimer

Let me make this clear. This is not a recommendation nor an advice. When you click next, you agree to the terms of use.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: