was successfully added to your cart.

Cart

Entitled ang mga Overseas Filipinos ng SSS basic pension program at Flexi Fund. Ang Flexi Fund ay exclusive para sa mga OFWs.

Ang Flexi Fund ay safe na savings option na may guaranteed earnings. Ito ay isang provident fund scheme upang dagdagan ang pension benefits sa SSS basic program.

Inilalagay sa fixed income securities katulad ng short term peso placements at government bonds para makakuha ng mas mataas na kita kumpara sa deposit sa bangko.

Benefits

Ang accumulated fund kasama ng interest earnings ay ibibigay ng tax free. Maarinng gamitin ang pondo para sa retirement at may kasama din itong disability and death benefits on top of the SSS basic program.

Liquid ang Flexi Fund dahil anytime puwede itong i-preterminate. May fee na ipapataw kung ang pre-termination ay ginawa less than one year from date of initial deposit. Nagbibigay din ng Annual Incentive Benefits o karagdagang kita para sa mga qualified members.

 

Contribution

PhP200 pataas ang ang hulog sa SSS Flexi Fund. Hindi naman kinakailangang buwan-buwan maghulog. Maaring maghulog ayon sa kakayahan at kagustuhan.

Kung may sobra sa ibinayad sa SSS basic program, automatic na ang excess nito PhP200 and above mailalagay sa Flexi Fund. Walang kinakailangang initial deposit o maintaining balance requirement.

Saan puwedeng magbayad?

Maaring pumunta sa konsulato o embahada ng Pilipinas abroad at sa mga tie-ups ng mga SSS-accredited collection partners. Puwede ring ipadala ang conrtibution sa kamag-anak sa Pilipinas at sila ang magbabayad sa mga SSS branches at iba pang accredited channels.

Nakipag-partner din sa mga commercial banks ang SSS para may option na magkaroon ng auto debit arrangement. Maari ding magbayad online sa mga partner agents nito.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: