was successfully added to your cart.

Cart

Isang sikreto para siguradong matupad ang new year’s resolution

Nakagawa ka na ba ng new year’s resolution mo 2019? Yung mga resolutions mo noong 2018, kumusta? Ilan ang natupad, ilan ang hindi?

Usong-uso tuwing bagong taon ang magkaroon ng new year’s resolution. Pero aminin natin, madami sa mga ito ang hindi natin natutupad.

Iyan ang dahilan kung bakit hindi matupad-tupad ang new year’s resolution mo – dahil madami.

Kaya ang sikreto ko sa paggawa ng new year’s resolution ay ito: Isa lang kada taon.

Focus on one

Yep, tama ang nabasa mo. Isang new year’s resolution lang ang ipangako mong gagawin mo ngayong taon at ifocus mo ang lahat ng oras at energy hanggang kaya mo para ito ay matupad.

This is my tried and tested strategy. Naalala ko kasi dati na naglilista ako ng napakaraming mga resolutions – magpapayat; magbasa ng isang libro kada buwan; magbakasyon sa 3 bansa; mag-ipon; tumigil manigarilyo; tumulong sa kapwa; magsulat ng libro; palakihin ang mga negosy at marami pang iba.

Pag dating ng bagong taon, manghihina lang ako kasi halos lahat ay hindi ko nagawa.

Iwasang pagsabay-sabayin

Kapag tayo ay gumawa ng bagay sabay-sabay, wala tayong matatapos. Kaya dapat isa-isahin ang mga ito.

Mas simple kapag isa-isa ang atake natin sa ating new year’s resolution. Mas madali din itong pagplanuhan at paghandaan.

Select top priority

Here’s my strategy. Isinusulat ko ang lahat ng mga new year’s resolution ko. Pagkatapos, pipili ako ng isa at iyon ang paglalanan ko ng oras para matupad.

Hindi naman ibig sabihin na bale-wala ang ibang mga resolutions, mas bibigyan ko lang ng panahon at resources ang napiling natatanging new year’s resolution.

To some extent, I treat the rest of the new year’s resolution list as distractions.

Remind yourself of your new year’s resolution everyday

When I wake up, I ask myself, ang gagawin ko ba ngayong araw na ito ay magko-contribute sa aking resolution?

Napaka-helpful nitong practice na ito kapag lalo na kapag may mahirap desisyunang bagay. Tatanungin ko lang ulit ang sarili ko kung makakapagpabilis bai tong makamit ko ang resolution.

Conquer the next mountain

Sa ganitong paraan, I find it easiest to accomplish things. Kapag mid-year, nagawa ko na ang new year’s resolution; I move to the next.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Different kinds of investments

Preparing for retirement

How are articles on retirement

  1. 10 Commandments of retirement
  2. Mga kinakatakutan ng retirees at paano ito paghahandaan
  3. Magkano ang matatanggap mong SSS pension upon retirement
vincerapisura.com


Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: