Ang insurance ay protection sa financial losses in times of emergencies or calamities. Hindi dapat itinuturing na investment ang insurance.
Insurance is for protection
Proteksyon ang pangunahing dahilan kung bakit tayo kumukuha ng insurance hindi para pagkakitaan ito. Mali ang motibasyon sa pagkuha ng insurance kung ang gusto ay kumita lamang ng pera dahil dito.
Isiping mabuti, kailangang may masamang mangyari upang “kumita” sa insurance. Gusto mo ba itong paraan para kumita ng pera?
Investment-linked insurance is expensive
Kapag pinaghahalo ang insurance at investment, nagiging mahal ang binabayarang premium. Sa Pilipinas, kung ikaw ay edad 40 pababa, ang premium ng life insurance kada taon ay hindi dapat lalagpas sa P6,000 kada taon sa coverage na PhP1 million.
Malamang may kahalo nang investment ang insurance kapag mas malaki na dito ang binayarang premium. Kaya ang lagi kong pamantayan ay hindi dapat hihigit sa 5% ng buwanang kita ang budget para sa insurance.
Ang tawag sa mga insurance na may investment ay whole insurance, universal insurance, endowment insurance, variable life insurance, variable universal life insurance at iba pa. Mas maiging iwasan ang mga ito.
Buy term insurance
Ang dapat gawin ay bumili ng term life insurance. Magbibigay ng death benefit ang term insurance sa mga beneficiaries kapag ikaw ay namatay sa period covered ng term insurance.
Base sa edad mo, ito ang estimated na annual premium sa isang milyong coverage ng term life insurance:
Lahat ng insurance companies ay nagbibigay ng term insurance. Hindi ito masyadong binebenta ngayon dahil mas maliit ang commission na kinikita ng mga insurance compant at insurance agents dito kumpara sa insurance na may investment.
Kung may pera pang-invest, maigi na bumili ng term insurance at ang sobra ay i-invest nang hiwalay. Sa ganitong paraan mas masusulit ang bawat pisong pinaghirapan mo.
Ang insurance ay dapat mura lang at hindi mahirap bayaran para sa proteksyon ng iyong buhay.
Mga iba pang babasahin tungkol sa insurance:
- Iba’t-ibang klase ng insurance
- Must-have insurance for people in their 30s
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 1)
- Ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas (Part 2)
- Anong insurance dapat mayroon ang mga bata?
- Gusto kong paghandaan ang future ng anak ko, tama bang investment-linked insurance ang kinuha ko?
- Paano gumagana ang ibinabayad na premium sa insurance para mabigyan tayo ng proteksyon sa panahon ng emergency
- Kung akala mo insurance ang education plan, basahin mo ito
- Insurance para sa mahirap
- Bakit mahal ang VUL o investment-linked insurance
Same din po ako. Hindi po kaya masasayang ang mga nauna kong binayaran kung ihihinto ko po. Hindi ko po kc maintindihan masyado ang kontrata at kung paghihiwalayin ko ito hindi po kaya mas mahirapan ako sa pagbabayad dahil kabikabila ang dapat bayaran? 2 po kc ang kinuha ko at nagkakaroon po tuloy ako ng alinlangan kung mali ang naging hakbang ko. sana po matulungan nyo ako. Salamat po.
Ano naman ang assurance na may makukuha ka sa insurance pag need ng benefeciary mo? 😔
Sir vince tama po bang pagkakaintindi ko?kumuha ako nang life insurance, instead na 10 years I choose 5years to pay, pagka intindi ko after 10 years pwede ko pong ma withdraw yong savings ko kailangan lang na hindi ma zero yong account ko and protected pa po ak up to 100 years..
I totally agree with you. Kaya nga overrated masyado ang mga earnings ng mga insurance company not to mention perks ng mga agents nila of going out of the country like MDRT. As for me, since single naman ako and walang dependent, I purchased criticial illness insurance worth 2m (4.5% lang monthly ang cost niya) and increase ko yung contribution ko sa PAG-IBIG FUND to 3,500 monthly. Magstart ako ng UITF by December pero sana naman ay meron tayong mga MFs, UITFs or ETAs na mababa lang ang fees kasi kasi kahit passive funds like “index funds” eh nasa 1% to 1.50% ang fees. Ang pinakamababang UITF na nakita ko so far for equity index funds ay sa East West and UCPB at 0.75% trust fee. Hopefully magkaroon pa ng mas mababa na fee like ng Vanguard funds sa US at 0.10% ang fees.
I agree with you as a financial advisor.
Nice.
Sir magkano po ung coverage ng term insurance na nakapost dito? early 30s po ako.. di ko po makita ung provider na ganyan kababa.. pls advice po.. salamat much…
helo po nagka pag invest po ako s isang insurance company hnd ko po masyado naintindihan ang kontrata.at kong ano binipisyo..slamat po sa mga info nyo dahil tagalog ang pgkasulat. may savings po ako isang banko.at may nag offer po s akin na yung pira ko ipasok ko for retirement savings..60 per anual o 5k a mont aotumatic wedraw s acount ko..hnd ko po binsa lahat ang kontrata n pa ka kapal nmn kc at english pa kaunti lang po na intindihan ko dun..nagguluhan po ako kong ittoloy ko pa po ba or i closed ko na yung acount ko dun s banko..thanks po kong ssagutin nyo ako..
Paki-email po sa info@vincerapisura.com ang policy para ma-advice ko po kayo. =)
Pls correct me if Im wrong pag sa Term Insurance di ba wala ng babalik sayo unless may mangyari? Pero yong VUL may maaasahan ka na kita later as well insured ka pa at tsaka good for 5yrs to pay lang sya then cover ka na till 80 to 100yrs old.
Precisely the point of term insurance – for protection. So tama ang mindset na walang babalik unless may mangyari.
Sa VUL may maasahan kang makuha at high price dahil two in one ito. Mas efficient kung term insurance ang kinuha para sa protection. Ang excess ay ginamit naman para pang-invest separately. Ang tawag dito ay BTID. Pansinin mo, ang fund value sa VUL sa first year ay 0. Samantalang dapat ito ay may fund value na kaoag nag-invest ka seprately. Hindi ba masaklap na ang fund value mo sa first year ay 0 pero malaki ang ibinayad mo? Kung invested ito sepraretly, mas mabilis pa ang acceleration dahil you are not starting with 0.
The main purpose of life insurance is income replacement for your dependents when something untoward happens to you. At 80 or 100 years old, it is highly unlikely that you still have dependents. So you really do not need life insurance that time. So no need to get one.
I hope this clarifies your doubts.
This is helpful po talaga. Medyo namamahalan nga ako sa VUL na inooffer saken buti na lang na mention nyo Sir Vince yung sa term insurance plan ko kasi kumuha nun next year after ko makapag-ipon ng emergency funds ko tapos nag-avail na rin ako ng MP2 program sa Pag-ibig. Hehe. Alam ko pong malayo pa yung tatahakin ko tungo sa financial freedom pero ngayon sinisimulan ko na ang mga maliliit na hakbang tungo sa daan na yun.
Sir ask ko po ang mother ko po is turning 60 this yr. May mga propertirs po sya. Is it still viable na kunan sta ng term insurance 10yrs? To help settle estate tac later on.
Sir Vince anong insurance company poh ang marerefer niyo n may term insurance?
Hindi po ako nagri-recommend ng produkto, kumpanya o negosyo. Pero lahat po ng insurance company na nago-offer ng life insurance ay may term insurance.
Sa lahat lalo na ang mga OFW, may pamilya o single, nirerekomenda ko ang term insurance. Walang katumbas ang peace of mind, knowing that whatever happens to the breadwinner, the family can live according to what is planned: college, mortgage, business etc.
It also goes with whatever type of insurance. Kaya huwag manghihinayang kung hindi nagagamit ang insurance o hindi mo nakikita ang value nito. Get the insurance that you can afford and change according to your circumstances. Maybe later on you will not need it or you need more coverage. For starters, get a life insurance.
Any thoughts about critical insurance?
I agree 100% Insurance is Insurance and Investment is Investment never ever combined the two.
Ung sa bdo Insurance sir quarterly 7500 i think.ok po ba un sir
Good read. However…
Hindi lahat ng tao na kailangan ng insurance ay marunong or may oras na gawin ang “Buy Term and Invest the Difference” na prinopromote ng article. Although tama na mas mura ang pagkuha ng term insurance, importante ding isipin ang investment Horizon, Experience, Risk appetite, Objectives and Situation. Hence, getting and insurance is never a one size fits all. One has to undergo a financial needs analysis that is rendered by a licensed financial advisor for him to determine the right financial tools to acquire to achieve his goals. 🙂
Hello po ako po kumuha ng life insurance 2500 per month for 10yrs … ok lng po ba yon? Para astang nag sisisi na ako…:(
Hello po…Ano po ba ang best company for health insurance ang life insurance dito s pilipinas?
Sir Vince, sa St. Peter Plan, anong masasabi nyo po
Ako po every year 100taw s philam life tpos ang sbi after 10years kikita ako ng 350taw binabwas ang 100taw s account ko automatic thru bpi ok lng po b yun
May topic na po ba kayo about health insurance at Critical illnes insurance? Thank you po
Sir VInce now ko Lang nalaman ito . Pano na po ba ang nakuha kong life insurance ay may investment. Lugi po ba ako doon?
Hi sir vince, tanong ko po yung kinuha ko po n insurance ay whole insurance ngbbyd ako ng 5882 mmonthly for 7 yrs plus 13yrs maturity at ang mkukuha aftr maturity is 1.2m kung hndi ko mgmit ang health care .bkit nyo po nsabi n mas mgnda kung hiwalay aside s pwedeng iinvest?at kung hiwalay ano ang ms mgndang insurance n pwede nyong I recommend? Slmat
http://vincerapisura.com/bakit-mahal-ang-vul/
Sir vince wala na murabg insurance ngayon.
Term is the cheapest kind of insurance.
TERM INSURANCE , SIR VINCE. EVERY YR PO BA ITO BINABAYARAN OR MAG ACCUMULATE PO BA ITO IN OTHER YEARS, SAMPLE PO HANAP KO, MANY THANKS
Hi sir vince,kumuha po ako ng VUL sa manulife worth 3,885.81 per month, my kasama ndn po hospitalization, pede kopo kya ipa revise un at gwing term life insurance lng? Parang ang mahal ng po kung iisipin
Hello sir vince! Same question po pede po bang pa chance ang vul sa term life insurance? Thank you very much po.
Sir vince can you give an insurance company na term life lng…i asked sunlife wala daw sbi ng agent
Meron pong term insurance ang sunlife.
Manulife has a yearly renewable term insurance Ma’am.
Hi ms. Avi,kaka 1year ko palang pong nghuhulog ng VUL insurance ko sa manulife and nung tinanong ko ung agent kung pede ko pa ba sya ichange to term insurance nlng sabi nya hindi na dw po pede,saana nung 6*months plang dw po pinaa change ko na,anu po sa palagay nyo? Anu po ibig sabhn nyo na meron yearly renewable insurance ang manulife? Panu kopo kaya mapapabago un from VUL to term insurance lang
Best is to discontinue the VUL and just get the term insurance separately. Cut your losses rather than continue losing a lot of premium and other charges in VUL.
Ano po life insurance company ang ngbebenta ng term insurance
Hello sir vince. Tama po ba ung kinuha kong insurance. 2300 pesos po xa per month tas 20yrs xang babayaran. Pg nagkasakit ka ng malala may makukuha kang 1m. Ganun din pag namatay ka.. Pero 1 time lng po un. It’s either magma health problem ka or ma redo ka. Ung sa AXA po
Hi, i have the same situation w/ Ms lorena…I’m really interested to know your reply because 20years is a looong time…thanks
Hi! SirVince ano ibig sabihin ng term insurance at ang sobra ay i-invest ng hiwalay, can you give an example. Thank you Sir Vince.
Basahin po ito:
http://vincerapisura.com/bakit-mahal-ang-vul/
http://vincerapisura.com/ibat-ibang-klase-ng-insurance/