was successfully added to your cart.

Cart

Pag-IBIG Calamity Loan Guide

By March 25, 2018 Loans, Pag-IBIG

Bukod sa savings at housing loan, nagbibigay din ng short term loan ang Pag-IBIG. May dalawang klase ito – multipurpose loan (MPL) at calamity loan (CL).

Ito ang guidelines para sa Pag-IBIG CL.

Loan Purpose

Layunin ng Pag-IBIG CL na makapagbigay ng financial assistance sa mga miyembro biktima ng kalamidad. Ang kalamidad ay dapat naideklara ng Office of the President o kaya naman ay ng Sangguniang Bayan.

Isang senyales na ikaw ay mahirap kung sa panahon ng kalamidad ang ginamit na coping mechanism ay utang. Savings at insurance dapat ang gamit dito. Read: Tamang financial product for calamities

Bago pa mangyari an kalamidad, napaghandaan mo na ito sa pamamagitan ng insurance. Pero kung wala ka nito at ngayon mo lang nalaman, ang calamity loan ang next best thing.

Makakatulong kung babasahin ang mga sumusunod:

Eligibility Requirements

Kinakailangang miyembro muna ng Pag-IBIG I ang nais Mag-apply ng CL. Dapat nakapaghulog din siya ng 24 na beses sa kaniyang monthly membership savings at kinakailangang active member.

Itinuturing na isang active member sa Pag-IBIG ang isang Filipino kapag siya ay nakapaghulog ng hindi bababa sa isang beses sa huling anim na buwan.

Kung may anumang existing loan sa Pag-IBIG – housing loan. MPL o kaya ay calamity loan – dapat ito ay nababayran on time, hindi default. Iri-require ka din ng Pag-IBIG na mag-submit ng iyong proof of income upon application.

Ang mga miyembrong residente lamang ng mga naideklarang tinamaan ng Office of the President at ng Sangguniang Bayan ang maaring makapag-apply sa calamity loan.

Availment period

Maari lamang kumuha ng calamity loan sa loob ng 90 araw mula sa petsa ng pagka-deklara ng kalamidad.

Loan amount

Ang loan amount na ibibigay ng Pag-IBIG sa iyo ay ang pinakamababa sa mga ito: desired loan amount, loan entitlement at capacity to pay. Ang desired loan amount ay ang halaga ng loan na nais mo o ang loan amount na gusto mong makuha.

Loan entitlement naman ag tawag sa katumbas ng 80% ng iyong Total Accoumulated Value (TAV). Ang TAV ay ang kabuuan ng naihulog mong monthly savings, kasama ang upgraded monthly savings, employer’s counterpart at mga dibidendo kung mayroon ka ng mga ito.

Kapag may existing na MPL, ibabawas muna ang outstanding balance nito sa iyong TAV. Ang lalabas na halaga ay ang ibibigay na loan entitlement sa iyo.

Ibig sabihin nito, maaring magkaroon ng MPL at CL at the same time. Ang pagbabawas ng outstanding calamity loan mula sa MPL loan ay ipinagbabawal din.

Ang STL loan o pinagsamang MPL at CL loan amounts ay hindi dapat lalagpas sa 80% ng TAV.

Ang capacity to pay naman ay ang kakayahan mong magbayad ng loan na makikita sa proof of income na isa-submit mo at hindi bababa sa nakalagay na halaga sa General Appropriations Act (GAA) na net take home pay o kaya naman ay company policy.

Sa GAA, ang net take home pay mo should not be lower PhP5,000. Magkano man ang sahod mo kada buawn, hindi dapat bababa sa PhP5,000 ang net take home pay mo after deducting lahat ng mandatory government deductions at loan amortization sa Pag-IBIG.

Interest rate

Ang effective interest rate ng Pag-IBIG calamity loan ay 5.95% sa kabuuang loan term ng loan kasama ang grace period. (Read: Understanding interest)

Nasabi kong next best thing ang calamity loan ng Pag-IBIG kung walang kang insurance o savings dahil mababa ang interest na ipinapataw nito. Gayunpaman, may pagkiling pa rin ako na dapat ginagamit ang loan sa productive purposes.

Loan term

Ang loan ay maaring bayaran sa loob ng 24 na buwan. Ito ang maximum loan term, ibig sabihin, maaring bayaran nang mas maaga.

May ibinibigay ding tatlong buwang grace period. Hindi magbabayad sa mga buwang ito, pero umaandar pa din ang interest na babayaran.

Loan release

Ang loan ay maibibigay sa iyo sa pamamagitan ng Pag-IBIG disbursement card kung meron ka nito; sa payroll account mo sa LandBank o kaya naman ay cheke na nakapangalan sa iyo.

Kapag ang cheke ay hindi nakuha 30 days after ng date na nakasaad sa cheke, automatic na cancelled ang loan.

Loan payments

Dapat bayaran in equal monthly payments ang loan – kasama ang principal ang interest sa pagbabayad. Ang loan amortization, hangga’t maari, ay dapat sa pamamagitan ng salary deduction.

Para sa mga self-employed at sa mga Overseas Filipino Workers, over the counter dapat ang pagbabayad sa mga accredited collection agents ng Pag-IBIG.

Babayaran tuwing kinsenas (15th) ng buwan ang loan simula sa pangatlong buwan mula sa date na nakasaad sa cheke o kaya naman ang date na naihulog ito sa disbursment card o kaya ay Landbank payroll account.

Kapag ang due date ng loan ay naitain na non-working day, sa susunod na unang working day dapat ihulog ang bayad sa loan. Maari ding bayaran ang loan bago pa mag-mature ang loan na walang karagdagang penalty.

Sakaling hindi makapagbayad sa pamamagitan ng salary deduction sa kalagitnaan ng loan dahil sa mga sumusunod: suspension sa trabaho; leave of absence without pay; mababang net take home pay; resignation – kinakailangang magbayad mismo ang miyembro sa Pag-IBIG o sa mga accredited collection agents nito over the counter.

Sa aking 5-15-20-60 budgeting rule, ang maximum allotted budget para sa loan amortization ay hindi dapat lalampas sa 20% ng buwanang kita. (Read: 5-15-20-60 budgeting rule)

Application of payments

Ang ibabayad ay ia-apply sa ganitong paraan: uunahin ang penalty (sakaling may penalty); pagkatapos ay interest; huli ang principal. Kung may sobra sa ibinayad, automatic itong ia-apply sa sa mga susunod na pagbabayad at maipapakita sa susunod na due date.

Penalty

Ang penalty kapag hindi nakapagbayad sa loan ay katumbas ng one-twentieth of one percent (1/20 of 1% o kaya ay 0.05% kada araw na delayed ang pagbabayad base sa halagang hindi nabayaran.

Halimbawa ang loan amortization ay PhP1,200 kada buwan at na-delay ng pagbabayad ng tatlong araw. Ang penalty ay PhP1.8 (PhP1,200 x 0.05% x 3 days).

Default

Tinatawag na default ang loan kapag hindi nakabayad on time. Sa Pag-IBIG, magiging default ang loan kung may sinasadyang pagsisinungaling (willfull misrepresentation) sa alinmang dokumentong ibinigay sa Pag-IBIG.

In dedault din kapag tatlong buwan nang sunod-sunod na hindi nakakapagbayad sa loan o kaya naman ay sa monthly savings. Kapag may nilabag din sa mga polisye ng Pag-IBIG sa kaniyang membership, short term loan at housing loan policies, rules, regulations and guidelines, default na rin ang loan.

Epekto ng default

Kapag napatunayang default ang loan, magiging due and demandable ang loan. Ibig sabihin nito, kailangang bayaran sa lalong madaling panahon ang loan.

Ibabawas ng Pag-IBIG ang outstanding balance ng loan sa TAV matapos nitong subukang makakolekta sa iyo. Ang mga collection efforts na gagawin nila ay ang mga sumusunod: pagpapadala ng collection notice sa pamamagitan ng registered mail, email of sa fund coordinator; text message o short message service (SMS); tele-calling o call center collection; at iba pang paraan.

 Loan renewal

Ang mga miyembro ay maaring mag-renew ng kanilang MPL kapag na-fulfill ang lahat sa mga sumusunod: nakapagbayad na ng katumbas ng anim na buwang loan amortization; hindi mas maaga sa pang-anim na buwang loan amortization ang loan renewal; at qualified pa din sa eligibility requirements.

Kapag nag-apply ng loan renewal na hindi umabot sa maturity, ibabawas muna ang kasalukuyang loan sa loan proceeds at ang matitira ang siyang ibibigay sa miyembro. Kapag nabayaran na nang buo ang loan o natapos ang maturity nito, maaring kumuha ng loan renewal anumang oras naisin.

Multiple employers

Sakaling ang miyembro ay maraming pinagtatrabahuhan o maraming employers, isang MPL pa rin ang pinapayagan. Hindi puwedeng magkaroon ng mas marami pa sa isang outstanding MPL.

Sa panahon ng application, mamimili ang miyembro kung kaninong employer gagawin ang salary deduction para mag-remit ng kaniyang monthly payments.

Membership termination

Kapag na-terminate ang Pag-IBIG membership bago matapos ang loan maturity, ang loan outstanding o balanse ng loan ay ibabawas sa TAV.

Sakali namang mamatay, iko-compute lang ang bayarin hanggang sa petsa ng kamatayan. Hindi na kinakailangang bayaran ang balanse nito at kung may naibayad matapos sa petsa ng kamatayan, ang sobrang ito ay ibabalik sa mga beneficiaries ng miyembro.

Offsetting against TAV

Maaring mag-request ang miyembro na i-offset o ibawas ang kaniyang loan sa kaniyang TAV sa mga sumusunod na sitwasyon: nawalan ng trabaho ang miyembro; pagkakasakit ng miyembro o ng kaniyang immediate family member; at pagkamatay ng immediate family member.

Kinakailangang may medical certificate na ipapakita kung pagkakasakit ang dahilan ng kawalan ng kakayahang magbayad. Death certificate naman ang kailangan kung kamatayan ang dahilan.

Kapag nagawa na ang TAW offsetting, maaari pa rin namang makakuha ng MPL. Kapag nakapagbayad ng hindi bababa sa anim na loan amortization bago naganap ang offsetting, maaring mag-apply ng loan basta’t makapasa sa eligibility criteria.

Kapaga ang bayad ay mas mababa sa sa anim na buwan, maari lang mag-applu ulit pagkatapos ng dalawang taon at kailangan pa ring makapasa sa eligibility requirement sa panahon na yun.

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: