was successfully added to your cart.

Cart

Magkano ang puwedeng makuhang loan sa Pag-IBIG Short Term Loan (STL)

By March 26, 2018 Loans, Pag-IBIG

Bukod sa savings at housing loan, nagbibigay din ng short term loan ang Pag-IBIG. May dalawang klase ito – multipurpose loan (MPL) at calamity loan (CL).

Loan amount

Ang loan amount na ibibigay ng Pag-IBIG sa iyo ay ang pinakamababa sa mga ito: desired loan amount, loan entitlement at capacity to pay.

Desired loan amount

Ang desired loan amount ay ang halaga ng loan na nais mo o ang loan amount na gusto mong makuha.

Loan entitlement

Ang loan entitlement naman ay katumbas ng 80% ng iyong Total Accoumulated Value (TAV). Ang TAV ay ang kabuuan ng naihulog mong monthly savings, kasama ang upgraded monthly savings, employer’s counterpart at mga dibidendo kung mayroon ka ng mga ito.

Capacity to pay

Ang capacity to pay naman ay ang kakayahan mong magbayad ng loan na makikita sa proof of income na isa-submit mo at hindi bababa sa nakalagay na halaga sa General Appropriations Act (GAA) na net take home pay o kaya naman ay company policy.

Sa GAA, ang net take home pay mo should not be lower PhP5,000. Magkano man ang sahod mo kada buawn, hindi dapat bababa sa PhP5,000 ang net take home pay mo after deducting lahat ng mandatory government deductions at loan amortization sa Pag-IBIG.

Lowest of the three

Ipagpalagay natin na ang desired loan amount ay PhP15,000.

Halimbawa ring nakapaghulog ka na ng monthly savings mo na PhP10,000 at ang empoyer counterpart ay PhP10,000 din; tapos nabigyan ka na rin ng dibidendo na PhP2,000 at may modified Pag-IBIG savings 2 (MP2) contribution ka na PhP8,000, ang kabuuang TAV mo ay PhP30,000.

Ang 80% ng PhP30,000 TAV mo ay PhP24,000 which is the loan entitlement.

Sa sitwasyong ito, PhP24,000 ang loan amount na maaring ibigay sa iyo dahil mas mababa ang loan entitlement mo kaysa sa desired loan amount. Ang pipiliin kasi ng Pag-IBIG ay ang pinakamababa sa tatlo – desired loan amount, loan entitlement at capacity to pay.

Ipagpalagay natin na PhP20,000 ang monthly salary mo at ang total government mandatory deductions PhP876.30 (SSS employee share is 581.30; PhilHealth employee share is 275; tax is 0), ang net take home pay mo ay PhP19,143.70 kada buwan.

Sa PhP15,000 na loan, nasa ~PhP750 per month lang ang iyong monthly amortization, di hamak na masa mababa sa net take home pay mo na PhP19,143.70 kada buwan. So puwedeng ibigay sa iyo ang desired loan maount na PhP15,000.

Desired loan amount higher than loan entitlement

Sakaling ang desired loan amount mo ay mas mataas kaysa sa loan entitlement, ang loan entitlement ang ibibigay sa iyo dahil lowest of the three ang tintingnan.

For example, instead na PhP15,000 ang desired loan amount mo, doblehin natin, PhP30,000 ang gusto mo; PhP24,000 ang ibibigay na loan sa iyo dahil iyan ang loan entitlement mo.

Sa PhP24,000 na loan, nasa PhP1,200 per month lang ang iying monthly amortization na mas mababa pa rin naman sa iyong net take home pay, kaya pasok pa rin sa qualifications.

Low net take home pay

In cases na marami ka nang deductions, kadalasan dahil sa utang bukod sa mandatory government deductions, maaring maliit lang ang loan na makukuha sa Pag-IBIG.

To continue our case, for example, may mga loans ka at ito ay binabayaran through salary deductions tulad ng company loan, SSS loan at personal loans sa bangko; isasaalang-alang muna ng Pag-IBIG ang mga ito bago ibigay ang loan sa iyo.

Let’s say ang desired loan mo ay PhP15,000. Tapos, may company loan ka na binabayaran mo PhP7,500 every month; personal bank loan na binabayaran PhP4,000 per month; at SSS loan na binabayaran mo ng PhP2,000 per month; dagag ba dito ang mandatory government deductions mo na PhP853.3, ang total deductions mo ay PhP14,353.30.

Ang net take home pay mo ay PhP5,646.70. Hindi maibibigay ang desired loan amount mo na PhP15,000 dahil ang monthly loan amortization nito ay PhP750 per month.

Kapag nagabayad ka na, bababa na sa PhP5,000 ang net take home pay mo which is below the mandated net take home pay. Magiging PhP4,896.70 na lang kasi ito.

In this case, maaring nasa PhP12,000 ang ibigay sa iyo na loan dahil aabot lamang sa ~PhP600 ang loan amortization mo with this loan amount at hindi ka bababa sa PhP5,000 et take home pay requirement.

Honestly, dapat huwag na nating paabutin ang sitwasyon natin sa ganitong level. Hindi po utang ang solusyon sa lahat ng problema sa buhay. Matuto tayong mag-save, mag-invest at kumuha ng insurance.

With existing STL loan

Kapag may existing na STL, ibabawas muna ang outstanding balance nito sa iyong TAV. Ang lalabas na halaga ay ang ibibigay na loan entitlement sa iyo.

Ibig sabihin nito, maaring magkaroon ng MPL at CL at the same time. Ang STL loan o pinagsamang MPL at CL loan amounts ay hindi dapat lalagpas sa 80% ng TAV.

Ang pagbabawas ng outstanding calamity loan mula sa MPL loan ay ipinagbabawal din.

Makakatulong kung babasahin ang mga sumusunod:

vincerapisura.com


One Comment

  • Joes says:

    Mas afford ito ng laht sna maraming pilipino ang kumuha ng MP2.npaka mura lng.mas magastos pa ang pagbili ng load..hehe

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: