was successfully added to your cart.

Cart

Kailangan mo pa ba ng life insurance pag tanda mo?

By October 24, 2017 Insurance

 

Linawain muna natin kung ano ang matanda. Let’s agree na ang matanda ay yung may edad 65 pataas.

Hindi mo na kailangan ng life insurance kung ikaw ay matanda na sa mga sumusunod na sitwasyon:

  • Wala ka nang anak na less than 21 years old na naka-depende pa sa iyo
  • Wala kang dependents (katulad ng physically/mentally challenged na anak, asawa o magulang)
  • Wala ka nang utang na maaring singilin sa asawa mo kung ikaw ay mamayapa at kukulangin ang iyong ari-arian na bayaran ito
  • Self-sufficient ang asawa mo, ibig sabihin kung mamatay ka ay kaya niyang buhayin ang sarili niya

Para saan ba ang life insurance?

Ang gamit ng life insurance ay para protektahan ang mga kapamilya sa pagkawala ng source of income sakailng ikaw o ang iba pang breadwinner ay mamayapa.

I-emphasize ko lang na ito ay for protection and income replacement.

Hindi dapat ito itinuturing na investment.

Sayang ba ang premium?

Marami ang may issue na hindi daw napapakinabangan ang premium na ibinayad nila at nasasayangan sila dito.

Una, magpasalamat po tayo na hindi natin pinakinabangan ang insurance dahil ibig sabihin nun wala pong masamang nangyari sa atin.

Pangalawa, ang purpose ng life insurance ay protection and your peace of mind. Makakatulog ka nang mahimbing sa gabi na kung ano man ang mangyari sa iyo ay may aasahan mga maiiwan mo. Iyan ang pakinabang sa premium.

Pangatlo, nasayangan ka din ba sa ibinayad mo sa car insurance mo? Di ba hindi naman? Ganun din dapat ang gamiting mindset sa life insurance.

vincerapisura.com


One Comment

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: