Ang retirement ay ang panahon ng pagtigil sa trabaho. Sa Pilipinas, ang retirement age natin ay 60 years old.
Sa financial terms naman, ang retirement ay ang pagkakaroon ng sapat na passive income para tustusan ang iyong napiling lifestyle hanggang sa kamatayan. Marami ang aasa na matutustusan ito ng pension na makukuha.
Here are my 10 Commandments for Retirement
- You shall have a house
Ang pagkakaroon ng bahay ay isa sa mga basic needs natin para mabuhay. Kaya dapat may sarili tayong bahay by the time we reach our chosen retirement age.
Dapat ay rent-free na tayo sa panahong ito.
Kung pipiliin naman na mag-rent dahil ang napili mong retirement lifestyle ay magpalipat-lipat ng tirahan para i-enjoy ang mundo o iba’t ibang kultura; kinakailangang may passive income kang pinanggagalingan ng pambayad sa renta.
So, if you plan to still rent upon retirement for whatever reason, you have to create o estabish a specific investment portfolio that will generate passive income for this purpose.
Kung bibili naman, remember na ang bahay dapat hindi lalagpas sa three times ng annual income mo (or niyo kung may partner ka).
Ang suggestion ko is to allocate 50 square meters of space per person. So kung dalawa lang kayo, 100 square meters ang suggested floor area ko sa bahay.
Pag tanda, mas maganda na maliit na lang ang mine-maintain natin. Aminin, mahirap maglinis ng bahay kapag ang energy natin ay hindi na katulad ng dati.
- You shall have a budget for basic needs
Ang basic needs natin na isasama dito maliban sa shelter na nakapaloob na sa first commandment ay pagkain, damit, tubig, kuryente, medisina, hospitalization, internet at kung ano pang nais mong isama bilang basic needs mo.
Gumawa ng budget para dito. Ang temptasyon ng marami ay isama maski ang gastusin ng iba pang kamag-anak. Although ok naman ito, kailangan lang siguraduhin na hindi nasasakripisyo ang retirement mo para sa kanila.
Maganda na siguro yung nakakapag-abot ka ng tulong sa kanila paminsan-minsan pero hindi naman sana yung pinapasan mo ang financial responsibilities nila pagdating ng retirement mo. Responsibilidad nila iyon, huwag mong akuin.
- You shall have a pension and passive income
Pension ang inaasahan ng marami para tustusan ang bahaging ito ng retirement. Unfortunately, kung SSS lang ang aasahan natin, hindi ito sapat.
Para naman sa mga kawani ng gobyerno, kakayanin ang pension na matatanggap sa GSIS dahil di hamak na masa maganda ito kaysa sa SSS. Dapat lang ay siguraduhing walang utang sa GSIS at mahaba-haba ang ginawang paglilingkod sa serbisyo publiko.
- You shall have appropriate insurance coverage
Automatic na nagiging covered sa PhilHealth ang mga senior citizens natin. Unfortunately, hindi ito sapat para tustusan ang ating medical needs.
Medical insurance ang pinaprioritize ko dahil sa edad na 60, lapitin na tayo ng sakit at hindi na kasing lakas ang ating resistensya. Kaya dapat paghandaan ang pagkuha ng medical insurance.
Ang medical insurance natin ay dapat covered ang preventive at emergency care. Mas malaki dapat ang coverage sa emergency care. Ang halaga nito naka-peg sa kung magkano ang hospitalization cost ng heart attack o stroke kasi ito ang dalawang pinaka-deadly at magastos na health challenges.
Sa huling pagkakaalam ko, ito ay nasa PhP1 million.
Sa life insurance naman, kung wala ka nang dependents – mga anak na below 21 years old, hindi na kailangan ng life insurance. Kung earlier ang retirement age na pinili at may dependents pa, make sure na term life insurance ang kukunin sakaling may untoward incident na mangyari.
- You shall get out of bad debt
When you reach retirement, dapat wala ka nang consumption loan na dapat binabayaran. In fact, sa general guide ko, dapat by the age of 25 pa lang, master mo na ang paghawak ng loans.
Ang loan o utang ay dapat ginagamit lamang sa produktibong bagay. Kung hindi kikita ang paggagamitan ng loan, dapat mag-save o mag-create ng passive income para dito.
- You shall have emergency savings
Emergency savings should be equivalent to nine months worth of expenses. Nine months ang ginagamit natin para mabigyan ng sapat na perang nakalaan sakaling may di kanais-nais na pangyayari.
When emergency strikes, kukuha tayo sa ating emergency savings. After that, magclaim tayo sa insurance natin and then i-replenish ang emergency savings.
Magkakabit parati ang emergency savings at insurance natin.
- You shall fix all inheritances before you die
Habang buhay pa, dapat naisaayos na ang iyong mga habilin at mga pamana. Hindi kasi natin alam kung kailan tayo kukunin ni Lord kaya maganda na malinaw na ito habang buhay pa tayo.
Kumonsulta sa isang abugado para magawa ito. The last thing we want to happen is mag-away-away ang mga anak, kapatid, magulang o sino mang kamag-anak natin kapag tayo ay pumanaw na.
- You shall have a budget for periodic wants
Aminin natin, ang mga wants ang nagpapasaya sa ating buhay. Ito kasi ay mga bagay na mabubuhay tayo kahit na wala tayo nito, pero mas gumagaan, nagiging komportable o kaya naman ay nasisiyahan tayo kapag meron tayo nito.
How periodic is periodic? It will entirely depend on you and your ability to generate income.
A lot of people would imagine their retirement days as “everyday holiday” o araw-araw na bakasyon ang pakiramdam. Napakasarap nga naman kung ganun.
Again, ito ay mapaghahandaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng investment portfolio that generates passive income.
- You shall leave a legacy behind
Siyempre, ang buhay natin dapat makabuluhan. Hiniram lang natin ito at sana kapag kukunin na sa atin ay nakapag-iwan tayo ng mga mabubuting gawain at masasayang alaala.
Aside from covering your needs and wants, dapat ay pagplanuhan natin kung ano ang legacy na iiwan natin sa mundo at sa mga minamahal natin sa buhay. Maaaring sa retirement mo ay magvolunteer work ka para makatulong sa kapwa o kaya naman ay mapaganda ang kapaligiran.
- You shall have fun!
Of course, sa retirement mo, dapat nag-eenjoy ka. Dapat iwas na tayo sa stress at sa problema sa buhay. We spend quality time with our family and friends.
Handa ka na bang mag-retire?
Actually, kapag sinunod mo ang naunang siyam na commandments, tiyak na magiging masaya ang retirement mo. Gusto ko din i-emphasize na wala sa edad ang retirement. Ito ay nasa kakayahan mong magkaroon ng investment portfolio that generates passive income for you.
Ilan sa mga commandments ko ang na-achieve mo na? Kailan ang retirement mo?
Very helpful and enlightening for us middle-aged adults. Namumulat ako sa mga tamang diskarte sa buhay😍😊. Salamat Sir Vince