Mangilan-ngilan lang ang may kayang bumili ng cash ng kotse o kaya bahay. Halos lahat ay nangangailangan ng loan upang makayanan itong bilhin. (Read: Maling gamit ng loan)
Kaya ang laging tanong sa akin ay saan mas maganda kumuha ng loan: in house financing o bank financing?
Suriin natin ang bawat isa.
In-house financing
Ang in-house financing ay kung saan ipinamamahagi ng car dealer o property developer ang iyong credit information at application sa iba’t-ibang lenders. Kapag nakakuha ng approval, mabibigyan ka ng quotation at maari ka nang pumili o kaya ay makipag-negotiate pa nang kaunti.
Nagiging middleman ang car dealer at property developer sa ganitong sistema. Pero ang sikat at karaniwang nangyayari ngayon sa Pilipinas ang car dealer, property developer at lender ay nasa iisang grupo ng pagmamay-ari.
Bank-financing
Ang bank financing naman ay car loan o housing loan na ibinibigay ng mga bangko. Magkahiwalay mong kakausapin ang bangko at ang dealer o prperty developer at wala silang “say” sa approval ng iyong loan.
Walang middleman kapag bank-financing. Pero sa kalakaran ngayon, nagri-require ang dealer o property developer ng “incentive” sa pagbibigay ng loan sa kanilang kliyente. Ito ay para makabawi sila opporunity loss dahil hindi kinuha ng kilyente ang in-house financing.
Mas mabilis ang approval sa in-house financing
Dahil “ih-house” ang proseso, mabilis ang approval sa in-house financing. Kadalasan ay sa parehong araw, malalaman mo na kung approved ang car loan o housing loan mo sa kanila.
Samantala, sa bank financing naman, mas matagal dahil mas maraming document requirements ang bangko. Mas stikto din ang eligibility requirements ng mga bangko.
Sinisiguro din ng bangko na mababayaran mo sila kaya sinisigurado nilang may sapat kang pinagkakakitaan para bayaran ang loan. Bukod dito, tintingnan din ng bangko ang iyong credit history at gumagawa ng credit ang background investigation. (Read: Tamang gamit ng loan)
Mas mababa ang interest sa bank financing
Mas mababa ang default rates ng bangko dahil sa stiktong pagpili nito ng mga papautangan. Wala ding middle man na kailangang bigyan ng commission.
Dahil dito, di hamak na mas mababa ang interest rate na babayaran sa bank financing. Mas mababa rin ang penalty rates ng bangko kaysa sa in-house financing.
Sa aking pananaliksik, usually doble ang interest rate at penalty rate ng in-house financing kumpara sa bank financing.
One-stop shop ang in-house financing
Dahil sa parehong lugar bumibili ng high ticket item at kumukuha ng loan, one-stop shop ang in-house financing. Mas madali at maginhawa ang application.
Pero ang kapalit naman nito ay mas mahal na pagbabayad na tatagal ng mas matagal na panahon.
Tucked prices of freebies and promos
Ang isa pang madalas na pang-akit ng in-house financing ay ang mga freebies nito tulad ng free insurance; car accessories. But in my analysis, ang mga ito ay embedded sa mas mataas na interest na ipapataw sa iyo. (Read: Gabay sa pagkuha ng car loan)
Higher amortization sa in-house financing
Mas mababa ang downpayment requirement sa in-house financing kaya mas malaki ang principal amount na matitira. Ang resulta, mas malaking monthly amortization na mas mabigat sa bulsa.
Pag dating sa real estate, mas maiksi ang loan term na ibinibigay sa in-house financing. Medyo malaki ang magiging monthly amortization dahil mataas ang interest at maiksi ang loan term. (Watch: Gabay sa pagkuha ng housing loan)
Get pre-qualified for a bank loan
Para makaiwas sa mas mataas na gastos dahil sa in-house financing, magandang kumuha muna ng pre-approval sa bangko bago magsimulang makipag-usap sa mga car dealers o property developers. Sa ganitong paraan, mas makakapag-negotiate ka nang mabuting deals mula sa kanila.
Improve your credit score
Magandang paraan ng paghahanda para sa pre-qualified bank loan mo ang pagpapaganda ng iyong credit score. Alagaan ang iyong banking relationship sa pamamagitan ng pag-iipon; at pagbabayad ng mga personal loans o credit card sa takdang oras. (Read: Ano ang credit score)
Kapag mataas ang credit score mo sa bangko, maarinng makakuha ng discounts at preferred rates. May mga freebies ka ring maaring makuha sa kanila. (Read: Improve your credit score)
Sana po ay masagot ang tanong ko kasi importante:
Ano po ba ang ibig sabihin ng Financing? Binibili ba nila ang kotse tapos binebenta nila sa costumer?
Paki explain po sana In-House Financing ng Toyota Financial Services Philippines.
Ano po ang magiging Credit Score ng isang “Debt Free” individual with capacity to pay at first time na mag bank financing?
Ito po, pakibasa:
http://vincerapisura.com/ano-ang-credit-score/
http://vincerapisura.com/paano-magkaroon-ng-mataas-na-credit-score/