was successfully added to your cart.

Cart

At 25 years old, anong dapat meron ka na financially?

Ang mga kabataang may edad 25 years old ay hindi pa alintana ang kanilang mga financial responsibilities. Sa pag-aaral na ginawa ng Standard and Poor’s noong 2015, isa lang sa bawat limang millennial ang financially literate.

Marahil ito ay dala ng kakulangan sa mga sources ng mapagkakatiwalaang information about personal finance. Pero sa tinging ko mas dahil ito sa YOLO (You Only Leave Once) at FOMO (Fear Of Missing Out) na kultura.

Sa pananaliksik ng aking kumpanya, SEDPI, nalaman namin na kalahati sa mga millennials ay may utang na hindi ginamit sa productiive purposes. Ibig sabihin hindi ito kumukita at violation ito sa good personal financial practice.

Nagamit ang loan, karaniwan sa pamamagitan ng personal loans sa bangko at credit card, ay nagamit pambili ng gadget o pinang-bakasyon.

Para maisaayos ang personal finance nang maaga, ito ang kinakailangang magkaroon ka lapag tumuntong na sa edad 25 years old.

Basics

Ang pinaka-basic sa lahat ay wala ka dapat non-productive loan. Eliminate bad debt by all means. Kung meron ka nito dapat maagapan mo na agad kasi dadalhin mo ang paguugaling mangutang para sa needs and wants.

Kinakailan ding nakagawa ka na ng iyong financial plan. Nagsisilbi itong gabay at inspirasyon upang maabot nang maaga ang mga financial goals.

Para sa akin, dapat nakabukod ka na rin sa mga magulang mo o kung nakatira ka pa rin sa kanila, nagbibigay ka ng contribution para sa gastusing pambahay.

Fundamentals

PhilHealth ang pinakaunang insurance na dapat meron ka. Kung wala ka pang dependent/s, mabuting kumuha ng medical/health insurance para sakaling magkasakit ay hindi na magigig pabigat sa mga magulang.

Sa mga may dependent/s naman, bukod sa medical/health insurance, kailangang magkaroon din ng life insurance. Iwasang kumuha ng investment-linked insurance o VUL (Variable Universal Life).

Kinakailangang nakaipon na rin ng emergency savings na katumbas ng siyam na buwang expenses. Ilagay ito sa time deposit para kumita nang mas malaki kahit papano.

Building for retirement

Nasa maximum contribution ka na dapat sa SSS (Social Security System) at sa PagpIBIG. Huwag mamaliitin ang SSS dahil malaki ang counterpart ng employer dito kaya sulit. Ang Pag-IBIG ay makakatulong din kapag magbabahay na.

Maganda ring magkaroon investment sa mga pooled funds—bonds, UITF, mutual fund at exchange traded funds. Pero bago ito gawin, aralin muna at intindihing mabuti ang mga ito.

Noong ako ay 25 years old, nagsimula na akong magkaroon ng malaki-laking passive income sa pamamagitan ng rent. Kaya sa edad na ito, pag-aralan nang mabuti ang iba’t-ibang klase ng passive income – rent, interest, divident, capital gains, royalty at pension.

Overcome your fear of and ignorance in investing through education. Gamitin ang pinaka-valuable ninyong resource – time. Bata pa kayo at kung magi-invest nang maaga, you can take advantage of compounding.

Lastly, start small but dream big.

vincerapisura.com


23 Comments

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: