Ang bond ay isang uri ng debt instrument na ini-issue ng gobyerno at mga korporasyon para may panustos sila sa kanilang mga proyekto. Ang umuutang (borrower) ay tinatawag na bond issuer na karaniwang ang gobyerno o mga korporasyon. Samantalang ang nagpapautang (lender) ay tinatawag namang bondholder. (Basahin: Understanding bonds)
Usisahin natin ang bonds na ibinibigay ng gobyerno – ang treasury bills at treasury bonds. Ang dalawang ito ay tinatawag din na government securities.
Utang ng gobyerno
Ang treasury bills at treasury bonds ay utang ng gobyerno sa publiko para tustusan ang bahagi ng kaniyang expenditures ayon sa kaniyang budget. Maaari itong gamitin sa pagpapagawa ng mga daan, tulay, paaralan at iba pang infrastructure; at iba pang government projects.
Backed by full taxing power and ability to print money ang treasury bills at treasury bonds. Ibig sabihin, sa buwis na binabayaran ng mga tao; o kaya naman ay sa perang ipiniprinta nito, ang pambayad sa mga investors na bumili ng treasury bills o treasury bonds.
Tinatawag itong “treasury” dahil ito ay galing sa Philippine Bureau of Treasury – ang pangunahing government agency na namamahala sa mga government securities.
Low-risk investment
Dahil sa kakayahan ng gobyernong kumuha ng buwis at mag-print ng pera, maituturing na low risk ang treasury bills o treasury bonds lalung-lalo na sa mga local investors.
Nababagay ang treasury bill o treasury bond sa mga financial goals na dapat sigurado tulad ng pondo para sa pag-aaral ng anak; pagpapatayo ng bahay at pang-retirement.
Government securities eligible dealers
Kapag bibili ng treasury bills o treasury bonds, siguraduhing ang bibilhan ay government securities eligible dealer (GSED). Ang mga bonds ng gobyerno ay hindi na nagbibigay ng pisikal na certificate bilang katibayan ng pagbili kundi ito ay itinatago na sa isang registry at tinatawag na “scrip less.”
Ang mga GSED lang ang makapagbibigay ng tunay na transaction sa pagbili ng mga treasury bills at treasury bonds. Ang GSED o maari ding third party custodian ang namamahala sa pagpapamahagi ng interest ng bonds sa mga investors.
Treasury bills versus treasury bond
Treasury bills ang tawag sa mga government bonds na magma-mature within one year. Ang mga tenor nito ay in-issue ng 91 days, 182 days at 364 days. Ibinebenta ang mga treasury bills at a discount rate base sa kaniyang face value.
Halimbawa, ang face value ay PhP1,000 at ang rate ay 5%, mabibili mo sa offer period ang treasury bill sa halagang PhP950. Ang discount ay PhP50 base sa 5% na rate.
Kapag mas matagal na sa one year ang maturity ng bond, treasury bond na ang tawag sa mga government securities na ito. Ang mga maturities ay maaring 2, 5, 7, 10, 20 at 25 years. Ang mga treasury bond naman ay hindi nabibili sa discount rate kundi nagbabayad ito ng semi-annual interest payments.
Retail treasury bonds for small investors
Ang retail treaury bond (RTB) naman ay isang uri ng treasury bond (ibig sabihin more than one year ang maturity) na tina-target ang mga retail market tulad ng individual investors at small investors. Karaniwan kasing malalaki ang “lot” sa pagbili ng treasury bills at treasury bonds, umaabot sa PhP500,000 to PhP1 million ang minimum.
Sa RTB, makakabili ng bond sa mababang halaga. Sa PhP5,000, maari ka nang makapag-invest. Ginagawa ito ng gobyerno upang maski ang mga maliliit na investors ay magkaroon ng oportunidad na makapag-invest at matamasa ang mas mataas na kita na dati ay sa malalaking investors at korporasyon lang naibibigay.
RTBs pay quarterly interest
Ang isa sa kagandahan ng RTB ay ang pagbabayad nito ng quarterly interest kaya mas madalas na matatanggap ang kita sa investment. Kaya kapag bumibili ng RTB, karaniwang nagbubukas ng settlement account kung saan ilalagay ang quarterly interest at ang principal amount sa maturity nito.
Lagi kong ibinibigay na option ang RTB sa mga retirees na nangangailangan ng steady stream of income dahil sa quarterly interest payment. Bukod pa ito dahil sa secure at mas mataas ang returns na ibinibigay kaysa sa time deposit sa bangko.
How to buy RTBs
Ang treasury bills at treasury bonds ay mabibili sa offer date nito kung saan ang mga bagong bonds ng Bureau of Treasury ay ipamimili sa mga GSEDs. Pagkatapos ng initial issuance date of offer date, mabibili at mabebenta ang mga bonds sa secondary market.
Pumili sa Listahan ng mga GSEDs kung saan makakabili ng treasury bill, treasury bond o retail treasury bond. May form na ibibigay sa iyo ang agent/dealer na mapipili tulad ng application form, client information sheet at government-issued identification card.
Kailangan ding magbukas ng settlement account. Ito ay isang bank account kung saan kukunin ang principal payment mo sa bond na binibili. Dito rin ilalagay ang interest na ibabayad sa iyo at ang principal amount sa maturity ng bond.
Mabilis maubos ang mga RTBs kaya dapat ugaliing makipag-coordinate parati sa iyong branch manager upang masigurong makakasali ka sa susunod na offering nito sakaling napalampas mo ang oportunidad. (Basahin: Paano bumili ng bonds)
RTBs are liquid
Ang mga RTBs ay puwedeng ibenta bago pa nito marating ang maturity kaya itinuturing itong liquid o madaling mai-convert sa cash. Maari itong ibenta sa sceondary market sa pamamagitan ng selling agents tulad ng bangko o GSEDs.
Maganda itong feature sakaling biglaang kailanganin ang pera. Kaya iminumungkahi ko din ang RTB bilang bahagi ng emergency fund.
Pero kailangang maintindihan na kapag binenta bago ang maturity, maaring kumita o malugi dahil dito dahil ang presyong gagamitin ay naaayon sa pervailing market rates.
Tax on RTB
Ang interest na kikitain sa RTB ay 20% at ito ay wini-withhold na ng mga dealers. Final tax na ito kaya wala nang kailangang bayaran pa bilang bahagi ng income tax.
Maihahambing ang tax rate ng interest sa bond sa interest sa time deposit sa bangko.
Investment that contribute to nation building
Provided na walang corruption na nagaganap, ang pagbili ng treasury bills at bonds ay nakakatulong sa pagsulong at pag-unlad ng Pilipinas. Pinopondohan kasi nito ang mga socio-economic programs ng gobyerno.
Ibilang ang RTB sa iyong investment portfolio bilang bahagi ng low-risk investment portion nito. Ito ay dahil safe, affordable, madaling i-convert sa cash at modest ang returns. Siyempre, kinakaliangan mo pa ring tumingin ng iba pang investment para kumpletuhin ang kabuuan ng iyong investment portfolio. (Basahin: Pagpili ng tamang investment)
Ako nga 400 siningil sa notary tpos wla pa ni ano resibonor confirmation kung san napunta pera ko
Hi Vince,
Meron po bang maximum limit ang pagiinvest sa rtb? If so magkano po? Tapos ano anu ba mga fees na babayadan sa bangko kung magiinvest ka sa rtb?
Technically po, ito po ay base sa laki ng RTB in offer which is usually in the hundred millions and billions of pesos.
sir ng invest po ako sa rtb sa mismong bank n meron akong account. ngbayad ako ng notary fee n 300. tama po b na client ang mgsho shoulder nun?
another one i invested 5k (minimum) subject p po xia sa 20% witholding tax. feel ko po lugi ako plus ung almost 3 hrs n hinintay ko sa pg process ng bank. thanks po.
Hello Mhel,
Yes, may notary fee na nga kailangan bayaran KUNG sa bank mo na rin ipapagawa iyon. Puwede namang ikaw ang magpa-notaryo nung document. Sa labas, you can get a document notarized for as low as PhP50.
Sa minimum na 5,000 na in-invest mo sa RTB, may kita ka na 850 pesos for five years. So kumita ka ng neto na 550. Sa ganitong klaseng kita, mas maganda pang nag-time deposit ka na lang o kaya ay nag-open ng savings account sa MP2.
Please read the following articles for your additional knowledge:
http://vincerapisura.com/understanding-time-deposits/
http://vincerapisura.com/paano-magagamit-ang-time-deposit-bilang-bahagi-ng-iyong-investment-portfolio/
http://vincerapisura.com/ito-ang-bangkong-nagbibigay-ng-pinakamataas-na-interest-rate-sa-time-deposit/
http://vincerapisura.com/modified-pag-ibig-savings-2-primer/
Huwag panghinaan ng loob. Learn from this experience. Next time. alamin mo muna lahat ng mga costs involved sa investment na gagawin mo para sure na maayos ang kita. =)
sir vince mag topic naman po kayo about ss pag iinvest sa cryptocurrency,any insight or idea po?
Ito po naisulat ko diyan:
http://vincerapisura.com/investment-ba-ang-bitcoin/
http://vincerapisura.com/dapat-ka-bang-mag-invest-sa-bitcoin/