2018 Insurance Company Review: Generali Life Assurance Phils., Inc.

Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assetspremium income, net income, net worth at paid up capital.

Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng Generali Life Assurance Philippines, Inc. (GLAP) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.

Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.

Uulitin ko lang po na hindi ako nagri-rikomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.

Generali Life Assurance Philippines, Inc.

Indicator Points
Capital Adequacy 10
Return on Assets -5
Return on Equity -5
Total 0

 

 

Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP70 million ang lugi ng GLAP kaya mababa ang ROA at ROE nito. Healthy naman ang capital adequacy ratio nito at 35%.

Malaki ang capitalization ng GLAP. Nasa PhP572 million. With its 2017 losses, aabutin ng walong taon bago ito maubos.

Kug tama ang apagkakaintindi ko, ang GLAP ay dating bahagi ng Generali Holdings. Pero naihiwalay ito nang bilhin ng BDO Unibank ang Generali Holdings.

Ang GLAP ang naiwan sa control ng Italian-based Assicurazioni Generali.

Related Information:

vincerapisura.com


Leave a Reply

%d bloggers like this: