Isa sa mga sukatan kung matatag ang isang insurance company ay sa pamamagitan ng pagtingin sa kakayahan nitong kumita gamit ang kaniyang mga assets. Ang tawag dito ay return on assets.
Nauna ko na sa inyong naipakita ang capital adequacy ranking ng mga insurance companies for 2017. Idagdag natin ang ating analysis sa return on assets upang mas magabayan tayo sa pagpili ng insurance company.
Uulitin ko lang po na hindi ako nagri-rikomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.
Ito ang mga impormasyon na inilalabas ng insurance commission para sa mga life insurance companies kada taon: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital. Susuriin natin ang assets at net income.
Return on assets
Ang Return on Assets (ROA) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya na maging efficient para mas malaki ang kita.
“Mean and lean,” iyan ang karaniwang itinatawag sa mga negosyong kumikita ng malaki pero hindi naman nangangailangan ng malaki ding ari-arian o assets. Kumbaga sa maganda kung malaki ang kita galing sa maliit na assets.
Halimbawa ang isang negosyo na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon assets ay mas magaling kaysa sa isang negosyong kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng assets.
Kino-compute ang return on assets sa formula na Net Income / Total Assets. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpaniya naman ay may 2% return on assets ratio.
Habang tumataas ang return on assets ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang magandang return on assets ratio ay nakakapagdulot sa katatagan nito dahil ang maayos na kita ay nangangahulugan ng mainam na pagpapatakbo at masaganang benta.
Ito ang nakita ko na Top Ten insurance company in the Philippines based on return on assets ratio. Nagulat ako sa lumabas dahil hindi na naman ang mga inaasahan kong malalaki at sikat na kumpaniya ang mga nangunguna sa listahan.