Isa sa mga sa mga paborito kong financial ratios ay ang return on equity. May tatlo kasing ratios na nakapaloob dito na tinatawag na Du Pont system.
Gagamitin natin ang return on equity upang tingnan ang pinakamatatag na insurance company sa Pilipinas. Nauna ko na sa inyong naipakita ang capital adequacy ranking at ang return on assets ranking for 2017.
Uulitin ko lang po na hindi ako nagri-rikomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.
Ito ang mga impormasyon na inilalabas ng insurance commission para sa mga life insurance companies kada taon: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital. Susuriin natin ang equity at net income.
Return on equity
Ang Return on Equity (ROE) ay isa sa mga mahahalagang financial indicators na dapat sukatin upang malaman kung ang isang kumpanya ay matatag. Ipinapakita nito ang husay ng isang kumpanya kumita gamit ang sariling kapital.
Halimbawa ang isang negosyo na kumikita ng 100,000 kada araw gamit ang 1 milyon na equity ay mas magaling kaysa sa isang negosyong kumikita ng parehong halaga pero gumagamit ng 5 milyong halaga ng equity. (Watch: Paano kumikita ang negosyo)
Kino-compute ang return on equity sa formula na Net Income / Total Equity. Sa ating halimbawa, ang unang kumpanya ay may return on assets ratio na 10% samantalang ang pangalawang kumpaniya naman ay may 2% return on assets ratio.
Habang tumataas ang return on equity ratio, gumaganda ang financial performance ng isang kumpanya. Ang tatlong components ng return on equity o Du Pont ay return on sales, asset turnover at asset to equity ratio.
Ang return on sales ay nagpapakita ng laki ng ipinatong sa ipinagbibiling produkto o serbisyo (patong). Ang asset turnover naman ay nagpapakita kung gano kabilis magamit ng negosyo ang kaniyang ari-arian kumpara sa laki ng benta nito (ikot). Ipinapakita naman ng asset to equity ratio kung gaano kagaling gumamit ng pera ng iba ang negosyo (laway).
Habang lumalaki ang “patong”, bumibilis ang “ikot” at dumarami ang paggamit sa “laway” sa negosyo, mas bumubuti ito. Ipinapakita sa larawan sa itaas ang formula ng bawat isa at kapag ito ay pinagsama-sama, ang matitira ay net profit o net income over equity – ang formula ng return on equity.
Ito ang nakita ko na Top Ten insurance company in the Philippines based on return on equity ratio. Kaiba sa naunang listahan, mas traditional na malalaking kumpaniya ng insurance company ang lumbas na nanguna sa listahan.