Outfit of the day tips

Usapang Pera Season 2 Episode 7

Ay grabe! Ang ganda naman nyan! At ang ikli talaga ng shorts mo ha?”

“Naku ah! Ako pa ba!? Diyos ko!”

“Grabe! Ang ganda ganda mo talaga ‘no!?”

 “Naku, ako pa ba!”

“O, bigyan mo naman kami ng tips ‘no sa kung papaano magtipid sa OOTD na tinatawag, yung Outfit of the Day”

“Mahal ang tela ng damit…”

“Uh huh…”

“So, kailangan magtipid!”

“Ano ba yang OOTD na yan? Hindi pa ba obvious?”

Uh huh…”

Tipid na tipid na ako lagi sa outfit! Tingnan mo naman o, ang short ang ikli! Kulang sa tela!“

Oo nga eh!”

Ang iba nga eh, ang haba haba! Nag-iispend pa ng ilang libo. Samantalang ako, eto lang, walang ka-effort effort!”

Right!”

Mura lang!”

Oo.”

Sa halagang one hundred fifty (150) pesos!”

Uy, wow!“

Ang iba sponsored pa.”

Ukay-ukay ba yan kaya one hundred fifty?”

Hindi. Ano siya, minsan ang iba dito Baclaran.”

Ito ang mga Outfit of the Day Tips: Go for unbranded. Pumunta sa Divisoria. Basta huwag bumili ng peke ha!”

Isang tip actually dyan ay pumunta ka sa mga outlets na…”

Oo…”

Kahit hindi naman branded…”

Oo…”

Basta maganda di ba?”

Oo… sa totoo lang.“

Maghalukay sa ukay-ukay.”

Ano naman masasabi mo na talaga bang pagtitipid din sa OOTD yung pupunta ka sa ukay-ukay?”

Oo, totoo! Matipid yun.”

Ginagawa mo ba yun?”

Dati, ginagawa ko…”

Uhm hhmm…”

Pero ngayon… kasi naman… ako naman, karamihan sa totoo lang… Nasanay na ako sa bigay. Karamihan puro bigay, ayaw na nila akong pagbilhin… So, kinukuha ko naman, sayang eh…”

Right…”

Pero kung ako pagbibigyan, oo, gusto ko ukay-ukay kasi nung una, ukay-ukay din ako. Mura, branded pa, matibay pa.”

Right. Okay.”

Oo, pero di nga lang natin alam kung paano ginamit ang mga damit na yun dati.”

Okay.”

Kasi mga second hand na yun di ba.”

Second hand na yun eh… yun yung ano disadvantage niya.”

Oo, hindi natin talaga alam.”

Right. Okay.”

So, be careful din sa mga bibili ng ganun.”

Mag mix and match ng mga lumang damit. Magshopping ka sa closet mo. Ang ibig sabihin daw nun ay tingnan mo kung ano yung meron ka na at i-mix and match mo lang. Baka meron ka pa pwedeng gawin.”

Ah, oo! Totoo. Yun naman…”

So, ginagawa mo yun?”

Ginagawa ko yun. Eh, alam mo naman ako kung ano lang masuot ko, kahit anong kulay, makulay… hindi na… pag sabing pink, violet, blue, dedma! Basta makulay ako, good na. Syempre, represent LGBT di ba.”

Mag-invest sa basic and classic na mga damit, yun mga hindi madaling maluma.”

Katulad ng, for example, yung mga babae ‘no… bumibili sila ng kanilang little black dress…”

Oo…”

Yung mga basic na yun. So, kay Sinon ba, applicable din ba yun? Ano yung basic and classic for Sinon?”

Sa akin minsan hindi ko na alam kasi pinagmimix ko sa totoo lang.”

Oo. Eto na nga yata yun ‘no, sando… yan na yun!”

Oo, sando, o tingnan mo… tapos violet ang emet… sapatos itim… ganon!”

Oo, pupulutin ko lang yung sinabi mo dun ‘no. Ang sinabi mo dun ay you’re actually wearing yourself ‘no. You want to be comfortable… At yun yung mahalaga.”

Totoo.”

Mag DIY or Do It Yourself. Matutong manahi o magrepair ng sariling damit.”

Ay, DIY ha.”

Oo. So, ibig sabihin nyan parang kung marunong kang manahi ng kaunti, yung may lumang damit yung nanay mo, irepair-repair mo para maging bago na siya ngayon, ganyan.”

Gawain ko yan nung bata ako, yung mga tela tela pinaggagagawa ko tapos biglang nahuli ako ng tatay ko, “Hoy! Ano yang ginagawa mo? Pambabae yan ah!?” “Tay, hindi po para sa akin, para sa kapatid ko. Sorry.” Pero deep inside, ako talaga gagamit. Uli, ako gagamit.”

Wow! So ang dami nating natutunan sayo ngayon Sinon ‘no.”

Oo!”

Kung papano magtipid para sa ating OOTD.”

OOTD! Saktrue!”

Lahat tayo ay dumadaan sa mga pagsubok sa buhay at minsan nawawalan ng pag-asa.”

Ngunit kailangan nating magpakatatag at lumaban para malampasan ang bawat pagsubok ng ating buhay. Ako nga pala si Sinon Loresca.”

Ako naman si Sir Vince nagsasabing…”

Ang pagyaman, napag-aaralan.”

vincerapisura.com


Leave a Reply

%d bloggers like this: