False.
Ang gamit ng credit card ay para sa convenience at security, hindi para makapangutang. (Read: credit card guide)
Pay statement balance in full
Remember my first rule in credit cards: kailangang may kakayahan kang bayaran ang buong statement balance every month. Wala dapat natitirang balance na babayaran mo ng napakataas na interest rate.
Alam niyo bang kapag minimum amount due lang ang binayaran mo sa credit card ay hindi mo mababayaran nang buo ito? Forever kang may utang. Saklap di ba?
Kaya always follow my first credit card rule. I’ve kept two credit cards at proud akong magsabi na full statement balance payment ako since the beginning.
Use for convenience
Gumamit ng credit card upang maiwasan ang pagdala ng cash. Madali din itong gamitn sa mga online purchases bagay na hindi magagawa ng cash transactions.
Pero siyempre, mag-ingat sa pagbibigay ng iyong credit card details baka ikaw ay mabiktima ng scam o kaya ay ma-identity theft.
Use for security
Ang mga pinamili gamit ang credit card ay may consumer proteksyon, Maaring magreklamo sa credit card company at mag-request ng refund mula sa merchant kung hindi maganda ang quality o lumabag sa consumer rights ang merchant.
Traceable ang transactions ng credit cards kaya may habol sa mga merchants.
Dahil naiiwasan din ang paghawak sa cash, hindi mawawalan ng pera sakaling ma-hold up, makawan o kaya naman mawala mo lang talag aang pera mo.
Kapag nawala ang credit card mo, all you have to do is call the credit card issuer at mag-request na i-cancel ito at humingi ng panibagong card. Sa karansan ko, usually within 5 banking days ay nasa iyo na ang replacement card.
Handle with care
Remember that debts or loans should be used for productive purposes. If the purpose of a purchase is consumption, better save for it.
Read: