Here is a collection of resources for you about mutual funds. Click on the pictures to learn more. It starts with an introduction to pooled funds.
Ang mutual fund kasi ay isang uri ng pooled fund. Pinagsasama-sama ng fund managers ang pera ng maraming investors sa pooled fund. Pagkatops, i-iinvest naman nila ito sa iba’t-ibang klase ng investments.
Maraming iba’t-ibang klase ng fund ang nakapaloob sa pooled fund na kailangang intindihin dahil dito nakasalalay kung swak ang financial product na ito sa iyong investment purpose.
Sunod naman ang pagpapaliwanag ko tungkol sa mutual fund. Marami kasi ang nalilito dito.
May mga basic technical terms na kailangang malaman bago ito pasukin – tulad ng iba’t-ibang pasukin, mga fees na babayaran at ang tinatawag na NAVPS.
Maaring pang-conservative at pang-aggressive na investor ang mutual fund dahil naka-depende ang performance nito sa pipiliing fund.
Karaniwang napagbabaliktad ang mutual fund at UITF dahil itong dalawa ang pinaka-popular na pooled fund. Sa article na ito, inilalatag ko ang pagkakapareho at pagkakaiba nila sa isa’t-isa.
Para naman sa mga taong handa nang sumabak sa mutual funds, nandito ang detailed instructions kung paano magbukas ng isang mutual fund account. Inilalahad ko dito ang mga kinakailangan ihandang dokumento, pati na rin ang aasahang proseso.
Para lalo pang dumali ang buhay, narito din ang listahan ng mga mutual funds sa Pilipinas. May links na po akong inilgay dito upang mabisita niyo mismo ang mga kumpaniyang nagbibigay nito.
Uulitin ko lang po na ang listahang ito ay hindi nagsisilbing endorsement kundi pagbibigay impormasyon lamang. Ang pagpili kung saan kayo mag-iinvest ay responsibilidad ninyo.
Interested ako at paano ako magsisimula sa 5.000 pesos ko?