How to prepare for a disaster
Karaniwan na may balita tungkol sa bagyo, baha at landslide sa Pilipinas. Mas mainam na maging handa at pro-active, imbes na reactive. Kung ito man ay mangyari sa iyong tahanan, mabilis ka nang makakapagdesisyon sa susunod na gagawin.
Paghandaan ang mga disasters dahil magastos ito kung tayo ay tatamaan. Better safe than sorry.
Typhoon
- Bumuo ng emergency kit na may laman na pera, mga mahalagang document, pera, pito, at damit.
- Mag-empake ng pagkain at malinis na tubig para sa 3 araw. Siguraduhing malayo pa ang expiry date ng pagkain.
- Isama ang flashlight, extra batteries, at kandila kung sakali mang mawalan ng kurente
- Magdala ng maliit na radio para sa balita
Landslide
- Alamin kung ang lugar niyo ay kadalasang nagkakaron ng landslide
- Kausapin ang local barangay kung saan ang daan patungo sa evacuation area
- Maghanda ng emergency kit
Baha
- Makinig sa balita lalo na kung ikaw ay nakatira sa flood prone area
- Ihanda ang emergency kit
- Ipatong ang mga mahahalagang bagay sa mas itaas na parte ng bahay
- Pag-usapan sa pamilya kung saang landmark kayo magkikita kung kailangan na i-evacuate ang bahay
Tandaan, kahit sino ay maaring matamaan ng kalamidad. Importante na maging handa sa anumang sitwasyon.
Laging handa kasama ang SAFER Foundation
Hatid ng Shared Aid Fund for Emergency Response (SAFER) Foundation ang serbisyo ng pagkolekta ng donasyon mula sa publiko kahit wala pang kalamidad para sa Quick Response Fund (QRF). Dahil sa QRF, mas mabilis na maiaabot ang pera sa mga nangangailangan kapag sila ay naapektuhan ng kalamidad.
Taos-puso silang tumutulong sa mga natamaan ng bagyo. Kung nais ninyong tumulong sa kapwa Pilipino, ito ang mga detalye
Donate online: bit.ly/saferph
DEPOSIT:
Bank of the Philippine Islands
Branch: Loyola Heights, Katipunan Avenue
Account Name: Shared Aid Fund for Emergency Response, Inc.
Account Number: 3081-1194-21
For confirmation of your donation, kindly send your deposit slip to saferphilippines@gmail.com
For fundraising partnerships, email saferphilippines@gmail.com
Know more about SAFER Foundation
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management