was successfully added to your cart.

Cart

Good news: Patuloy ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas

Noong labor day, itinaas ng Standard and Poor’s (S&P) ang credit rating ng Pilipinas sa BBB+ which is two notches above investment grade. Ito na ang pinakamataas na sovereign credit rating na nakamit ng Pilipinas sa kasaysayan nito.

Ayon sa S&P, ang inaasahang mabilis n paglago ng ekonomiya sa hinaharap, malusog na import at export (external position) at maayos na pagmamanage sa budget o yaman ng gobyerno (public finances). Inaasahang bababa ang interest rates galing sa international market para sa gobyerno at sa mga pribadong korporasyon.

Credit rating versus self-rated poverty

 Siyempre, nakakatuwa ang good news na ito. Pero hindi ko ring mapigilang i-analyze ang bagong development na ito. Kaya gumawa ako ng graph na nagpapakita ng trend ng S&P credit rating at ng self-rated poverty survey ng Social Weather Stations.

Ito ang graph na ginawa ko:

Makikita na simula 2004, gumanda ang credit rating natin mula sa S&P. Pero mapapansin natin na ang self-rated poverty ay halos hindi nagbabago. Lagi lang itong nasa 50% na level.

Inequality

Anong ibig sabihin nito?

Malinaw sa graph na hindi masyadong nararamdaman ng mga nasa laylayan ng lipunan ang sinasabing improvement in credit rating dahil hindi halos nagbabago ang perception nila sa sarili nilang kalagayan.

Sino ang nakikinabang? Ang mga mayayaman, ang mga may kapangyarihan at yung mga dati nang nasa itaas ng lipunan.

Kaya ang mayayaman, lalong yumayaman at ang mga mahihirap, lalong humihirap.

Impact investing

Isa sa mga solusyon na pinopropose ko ay ang pagsuporta sa social investments na tinatawag ding impact investment at socially responsible investment. Hindi lamang tumitingin sa profitability ang social investments, sinisiguro din nitong ang mga pinaglalagyan natin ng investment ay may positive social and environmental impact.

Malaki ang role na gagampanan ng mga OFWs tungkol dito dahil sa kanilang economic power at ability to influence. That’s the reason why I mount seminars on this – para mabigyan naman ng pagkakataon ang mga OFWs na makapag-invest sa mga microfinance institutions at social enterprises.

Promote social investments

Noong May 4, 2019, halos 100 OFWs ang dumalo sa “Impact investing: investing with a heart” seminar natin. Nakakatuwa dahil interesadong-interesado sila sa mga ibinahagi ko at gustong-gusto nilang mag-participate dito.

Hindi daw nila alam na may ganitong klaseng investment pala. This gave me much encouragement to continue with this advocacy.

Visit SEDPI socially responsible investment, if you are interested to know more about this.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Sir Vince's Ultimate Guide to Money Management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: