was successfully added to your cart.

Cart

Financial literacy advocacy ng SEDPI Foundation Inc. (SFI)

Itinatag ko ang SEDPI Foundation, Inc. noong January 2, 2013. Ito ang pang-apat na kumpaniyang naitayo ko.

Focus on financial education

 Microfinance ang unang industry na pinasok ko bilang propesyonal at dito ko nakita na hindi sapat na bigyang ng financial access at kabuhayan ang mga mahihirap. Kailangan din nilang matutuo sa money management upang mas mapabilis ang pag-ahon sa kahirapan.

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Standard and Poor’s noong 2014, 75% ng mga Filipino ay hindi financially literate. Dahil dito, minarapat naming financial education ang maging focus ng SEDPI Foundation, Inc. (SFI).

Publication

Training ang pangunahin naming pamamaraan sa pagpapalaganap ng financial literacy sa Pilipinas. Pero kung ito lamang ang gagawin naming strategy, matatagalan bago kami makapag-train ng milyong-milyong Filipino.

Sumulat ako ng libro para tugunan ito. Nakapagbenta na tayo ng mahigit 20,000 copies since ma-publish ito noong July 2016. Ang estimate namin ay nasa 100,000 na ang nakabasa nito.

We employ one-for-one model sa pagbebenta ng libro kung saan nagbibigay tayo ng libreng libro sa mga high school students mula sa mahihirap na pamilya sa bawat librong mabenta natin at full price. Ang mga estudyante sa Sisters of Mary Schools sa Cavite at Alternative Learning System sa Muntinlupa ang beneficiaries.

Gumagawa din kami ng mga comic books on financial literacy at nakapag-distribute na kami ng 200,000 copies ng iba’t-ibang comic books mula 2009. Nagagawa namin ito sa pamamagitan ng partnership with Microfinance Opportunities, USAID at Western Union Foundation.

Video production

Ang “Usapang Pera: Mga tips sa pagyaman with Sir Vince” ay ang online talk show ng foundation upang mapopularize ang practical knowledge tungkol sa money management. Tinatayang nasa 25 million views na in total ang mga videos na naproduce nito.

Malaki ang gastos sa video production upang magkaroon ng high quality content at celebrity guests. Galing sa proceeds ng libro ang budget para sa video production.

Trainings

Pinakamabisa pa ding paraan ng pagtuturo ang training. Mas napapalalim kasi ang discussions at nagkakaroon ng structured learning experiences. May evaluations din at practical tools na itinuturo upang talagang mai-apply ang mga natutunan.

Dalawang klase ang trainings ng SFI – classroom at online course. Sa classroom training, nag-oorganize kami ng events kapartner ang iba’t ibang advocacy groups. Ang online course ay available online at sa pamamagitan nito, mas maraming nabibigyan ng training saan mang panig ng mundo naroroon anumang oras.

Breakeven kami parati sa training events dahil magastos ito at hindi naman kayang magbayad nang mahal ang mga target markets namin.

Noong 2009, kasama kami sa apat na organisasyong nagpapatakbo ng Ateneo Overseas Filipino – Leadership, Innovation, Financial Literacy and Entrepreneurship (Ateneo OF-LIFE formerly known as Ateneo LSE) program. Kasama namin dito ang Ateneo School of Government; OFSPES at Ugat Foundation. Ang SFI ang in charge sa financial literacy component ng programa.

Overall, nasa 14,000 na OFWs na ang na-train ng SFI at halos 4,000 dito ay sa Ateneo OF-LIFE.

USEFUL RESOURCES

Sources of information and practical tips on money management

Sir Vince's Ultimate Guide to Money Management

Watch videos on money management

Watch Usapang Pera episodes

Subscribe to Usapang Pera Youtube channel

vincerapisura.com


Get in touch with Sir Vince

Message Sir Vince through FB messenger

Send an email to Sir Vince

Like Vince Rapisura page

vincerapisura.com


Join online groups of Sir Vince

Join Usapang Pera Group

Join Sir Vince blog newsletter

vincerapisura.com


vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: