was successfully added to your cart.

Cart

Dapat bang gamitin ang emergency savings pambayad sa utang?

Marami sa karaniwang Filipino ang nasa sitwasyon na meron silang naipong emrgency savings o emergency fund pero meron din silang loan. Nalilito sila kung puwede nilang gamitin ang emergency fund bilang pambayad sa kanilang loan.

Mataas na interest

Maaring gamitin ang emergency fund pambayad sa loan kung ang mataas ang interest na binabayaran sa loan. Para sa akin ang mataas na interest ay 12% per annum o 1% per month.

Kaya kung ang utang mo ay sa credit card na umaabot ng 36% per annum o kaya naman ay sa five-six na pumapalo ng 240% per annum, mas mainam na gamitin ang naipong emergency savings para bayaran ang mga ito. Makakawala sa pagkakabihag sa masamang uri ng utang kung ito ang gagawin.

Magtira pa din sa emergency savings ng katumbas ng hindi bababa sa isang buwang gastusin. Mainam pa din ang handa kung may mga di inaasahang pangyayari. (Basahin: Saan dapat nakalagay ang emergency savings)

Gaano kahalaga ang sangla o collateral na ginamit

Ikaw ang makakapagsabi kung ok lang bang mawala ang ibinigay na sangla o collateral sa loan. Depende kasi ito sa loan amount na nakuha mo at sa paniniwala mong tunay na halaga ng collateral.

Maari ding sentimental value ang dahilan ng kahalagahan ng collateral. Kung anuman ang rason, ikaw ang mag-desisyon.

Kung sa tingin mo ok lang na makuha nila ang collateral mo para mawala ang loan, huwag nang bayaran ang loan. Basta ang mahalaga ay malinaw ang usapan ninyo ng inutangan mo. Mas maganda kung ito ay nakasulat sa isang kontrata. (Basahin: Kahalagahan ng kontrata)

Magtira ulit ng emergency savings na katumbas ng hindi bababa sa isang buwang gastusin kung ang desisyon ay bayaran ang utang para mabawi ang collateral.

May nakaambang gastusin

Tingan din ang sitwasyon kung sa tingin mo may nakaambang gastusin sa lalong madaling panahon. Ito ay para sa mga taong may historical experience na ng mga di inaasahang pangyayari na medyo mataas ang posibilidad na maulit muli.

Halimbawa, may family member na nagkasakit na dati at maari itong maulit. O kaya naman ay nakatira ka sa isang lugar na palasak ang nakawan at maaari kang manakawan.

Katumbas naman ng tatlong buwang gastusin ang dapat itira sa ganitong sitwasyon. Ang sosobra dito ay maaring gamitin pambayad sa loan.

May mahalaga at kinakailangang malaking gastusin

Maari ding ipagpaliban munang tapusin ang pagbabayad sa loan at bayaran lang ang minimum amount na kailangan kung talagang may paghahandaang mahalagang malaking gastusin. Kung mauubos kasi ang emergency savings, babalik lang ulit sa pangungutang kapag kailangan nang gumastos ulit.

Ang goal ay mawala ang utang

Siyempre, ang ideal situation talaga ay mawala ang loan at magkaroon ng sapat na emergency savings. Para sa mga karagdagang babasahin tungkol dito, basahin ang mga sumusunod:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: