Kapag nasanay kang gamitin ito, malalaman mong isa sa mga pinakamadali at pinakasecure na pagbabayad ang credit card. Sa halip na gumamit ng pera o cheke sa mga bibilhin, maaari mong gamitin ang credit card.
May mga advantages ang pagkakaroon ng credit card. Kasama na dito ang fraud protection, rewards points, pagtaas ng credit score kung ginagamit nang tama at installment payments.
(Read: Gabay sa 0% installment sa credit cards)
Unsecured loan
Ang credit card ay isang paraan ng pagpapahiram o pagpapautang ng pera sa iyo ng bangko. Mataas ang interest rate na ipinapataw dito dahil hindi ka hinihingan ng collateral, kaya tinatawag itong unsecured loan.
Convenient way to pay
Dahil hindi mo na kinakailangang gumamit ng cash kapag bumibili, madali ang paggamit ng credit card. Iwas ka na sa pagpila sa ATM at mawawala din ang takot na mawala o manakaw ang pera.
Fraud protection
Although marami ngayon ang mga kawatan na kumukuha ng iyong credit card details, para sa akin, safe and secure naman ang pagkakaroon ng credit card. Ang kailangan lang ay ibayong pag-iingat sa proteksyon ng iyong personal information.
(Read: Mga klase ng manloloko)
Nitong June 7 ay nawala ang wallet ko at kasam doon ang dalawa kong credit cards. Agad kong tinawagan ang mga credit card companies para i-block ang credit cards. Sa loob ng 15 minutes ay nagawa ko ito at maipapadala na sa akin ang replacement credit cards ko sa aking address.
Kapag peke ang nabiling goods o kaya naman ay may reklamo sa merchant, maaring proteksyon mo din ang credit card. Puwede mong ireklamo ang merchant sa credit card company at matapos ang imbestigasyon, maaari nilang i-reverse ang charges sa credit card mo.
Secure payment
Napakasophisticated na ng maraming credit cards ngayon. For example, ang mga credit cards ko ay nagpapadala ng text sa akin makalipas ang ang ilang segundo na ginamit ko ang credit card.
Sa ganitong paraan, agad kong malalaman kung may ibang gumagamit ng credit card ko at maitatawag ko ito agad sa kanila para pigilan ang transaction. Naranasan ko na rin ito dahil minsan may gumagamit ng credit card ko sa Athens, Greece gayong nandito ako sa Pilipinas.
At dahil na-kompromiso na ang aking credit card, agad na nagpadala ng replacement credit card ang aking credit card company, free of charge.
Maaring makatulong sa iyong credit score
Isa sa mga madaling paraan para magkaroon ng credit history sa bangko ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng credit card. Makikita kasi dito ang iyong repayment history; amount of available credit; at makakadagdag sa iyong mix of credit na ilan sa mga tinitingnan sa pagkuha ng credit card score.
(Read: Ano ang credit score?).
Hindi “free money”
Maraming nakakalimot na hindi libre ang pagkaskas sa credit card. Bawat kaskas mo dito, responsibilidad mo itong bayaran.
Wala kasing hawak na cash kaya madaling makalimot. At ang tingin nila ay kaya pa naman ng credit limit kaya sige, puwede pang gamitin.
Hanggang sa dumating na ang statement of account at magkakaroon ng bill shock dahil sa laki ng kailangang bayaran. Mas matakot pa sa interest at penalties kung hindi mo ito mababayaran nang buo.
(Read: Paano gumamit ng credit card)
Hindi debit card
Ang credit card ay perang inutang sa bangko samantala ang debit card naman, pera mo sa bangko ang gamit na pambayad. Dahil sarili mong pera ang ginamit sa debit card, hindi mo ito kailangang bayaran pa.
Kailangang may karga ang bank account mo sa bangko para magamit mo ang debit card. Ang paggamit naman sa credit card ay nakabase sa iyong credit limit o ang maximum amount na puwede mong utangin sa bangko.
Hindi ATM card
Pareho kasing plastic cards ang credit card at ATM (Automated Teller Machine) card pero hindi sila magkapareho. Sarili mong pera ang laman ng ATM card.
Ang ATM card ay nagagamit sa mga ATM machines para makawithdraw ng cash at marami sa mga ito ay nagagamit din bilang debt card. Nagagamit din naman ang credit card na magwithdraw sa mga ATM machines, pero dahil utang ito at naglalabas ka ng cash, napakalaki ng cash advance fees.
In my case, I didn’t even bother activate the ATM Personal Identification Number (PIN) of my credit card dahil nga ridiculous ang cash advance fees. Ito ay umaabot sa 6% to 10% the moment you withdraw from an ATM machine.
You only have a loan when you use it
Having a credit card doesn’t mean that you automatically have a loan from the bank. Hangga’t hindi mo ito ginagamit at wala itong balanse, wala kang loan sa bank.
In my case, I use two credit cards from two different credit card networks. I have preference on one because I earn a lot of miles from it for different airlines. Yung isa naman ay ginagamit ko lang kung for some reason ayaw magwork nung preferred credit card ko.
Pero ang lahat ng dalawang ito ay bayad in full before payment due date.
Not unlimited money
Your credit card comes with a credit limit so hindi ito unlimited money. Habang mas malaki ang credit card limit mo, nagsisignal ito ng iyong credit worthiness.
Hindi ko sasabihin ang credit card limit ko pero ito ang clue: puwede itong bumili ng isang mamahaling kotse in full.
Handle with care
Remenber my general rule sa utang: dapat gamitin ito for productive purposes. In the case of credit cards, the only way to have it is IF you are able to pay the whole statement balance every month.
(Watch: Good utang versus bad utang)