Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital.
Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng United Life Assurance Corp. (ULA) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.
Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.
Uulitin ko lang po na hindi ako nagrerekomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.
United Life Assurance Corp.
Indicator | Points |
Capital Adequacy | 10 |
Return on Assets | -5 |
Return on Equity | -5 |
Total | 0 |
Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP7 million ang lugi ng ULA noong 2017. Pero noong 2016, kumita ito ng PhP8 million. Ito ang dahilan kung bakit medyo may kababaan ang ROA at ROE nito noong 2017.
Ang capital adequacy ratio ng ULA ay 77%, nasa very health level. May PhP891 million capitalization ang ULA. Kung magpapatuloy ang losses nito na PhP15 million noong 2017, aabutin pa ng 127 years, matagal-tagal na panahon, bago ito maubos.
Mukhang poised to meet the requirement of 900 million minimum capitalization or insurance companies ang ULA by 2019.
Tumingin ako sa internet ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanila pero halos wala akong makitang press release mula sa kanila.
Related Information: