was successfully added to your cart.

Cart

2018 Insurance Company Review: Philippine Equitable Life Assurance, Inc.

Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital.

Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng Philippine Equitable Life Assurance, Inc. (PELA) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.

Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.

Uulitin ko lang po na hindi ako nagrerekomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.

Philippine Equitable Life Assurance, Inc.

IndicatorPoints
Capital Adequacy10
Return on Assets-5
Return on Equity-5
Total0

 

Ayon sa figures ng insurance commission, nasa halos PhP15 million ang lugi ng PELA noong 2017 at PhP14 million naman noong 2016. Ito ang dahilan kung bakit medyo may kababaan ang ROA at ROE nito.

Ang capital adequacy ratio ng PELA ay 53%, nasa health level. May PhP766 million capitalization ang PELA. Kung magpapatuloy ang losses nito na PhP15 million noong 2017, aabutin pa ng 51 years, matagal na panahon, bago ito maubos.

Tumingin ako sa internet ng karagdagang impormasyon tungkol sa kanila pero halos wala akong makitang press release mula sa kanila.

Related Information:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: