was successfully added to your cart.

Cart

2018 Insurance Company Review: Manulife Chinabank Life Assurance Corp.

Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ngassets, premium income, net income, net worth at paid up capital.

Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng Manulife Chinabank Life Assurance Corp. (MCLA) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.

Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.

Uulitin ko lang po na hindi ako nagri-rikomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.

Manulife Chinabank Life Assurance Corp.

IndicatorPoints
Capital Adequacy9
Return on Assets-5
Return on Equity-5
Total-1

 

 

Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP8 million ang lugi ng MCLA noong 2017. Di hamak naman na mas malaki ang lugi nito noong 2016 na umbaot ng PhP221 million. Ito ang dahilan kung bakit medyo may kababaan ang ROA at ROE nito noong 2017 at mas mababa pa noong 2016.

Ang capital adequacy ratio ng MCLA ay 19%, 1% shy sa aking capital adequacy ratio requirement na 20%. Napakalaki ng capitalization ng MCLA na umaabot sa halos PhP6.3 billion. Kaya naman kahit malaki ang losses nito noong 2016 ay halos hindi nito naramdaman. Mahaba ang pisi, kumbaga.

Isang strategic partnership ng Manulife at Chinabank ang MCLA na nagsimula pa noong 1998.

Related Information:

 

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: