was successfully added to your cart.

Cart

2018 Insurance Company Review: FWD Life Insurance Corp.

Gumawa ako ng ranking ng mga life insurance companies for 2017 base sa tatlong indicators – return on equity, capital adequacy at return on assets. Nauna ko nang nailabas ang mga ito. Ang calculations ay naka-base sa inilabas ng insurance commission na figures tulad ng: assets, premium income, net income, net worth at paid up capital.

Ang mga susunod na impormasyon tungkol sa company review ng FWD Life Insurance Corp. (FWD Life) ay naka-base sa mga impormasyon sa itaas at karagdagang pananaliksik sa Internet. Ang opinion na inilalahad ko dito ay base sa limitadong impormasyong aking nakalap.

Huwag ituring ang report na ito bilang financial advice o suggestion. Use the information at your own risk.

Uulitin ko lang po na hindi ako nagrerekomenda ng kung anumang insurance company at ng kanilang mga produkto. Ipinapakita ko po ito sa inyo upang matuto kayong maging mapanuri sa pagpili ng insurance company.

FWD Life Insurance Corp.

IndicatorPoints
Capital Adequacy7
Return on Assets-5
Return on Equity-5
Total-3

 

Ayon sa figures ng insurance commission, nasa PhP959 million ang lugi ng MCLA noong 2017 at ito naman ay nasa PhP1 billion ng lugi noong 2016. Ito ang dahilan kung mababang-mababa ang ROA at ROE nito.

Ang capital adequacy ratio ng FWD Life ay nasa 15%, medyo may kababaan sa aking capital adequacy ratio requirement na 20%. Ang capitalization ng FWD Life ay nasa halos PhP1.4 billion. Kung magpapatuloy ang laki ng lugi nito na naipakita noong 2016 at 2017, ubos ang capitalization nito ng wala pang dalawang taon.

Mula sa isang foreign insurance company ang FWD Life at nagsimula lang ang operations nito sa Pilipinas noong September 29, 2014. Maaring bahagi pa rin ang losses ng birth pains.

May bancassurance arrangement din ito kasama ang Security Bank. Makikita natin kung malalampasan ito ng FWD sa mga susunod na taon.

Related Information:

vincerapisura.com


Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: