was successfully added to your cart.

Cart

Understanding mutual funds

Maraming nagtatanong sa akin kung ok daw ba mag-invest sa mutual fund. Maiging intindihin muna natin kung ano ang mutual fund para malaman kung angkop ba ito sa iyo o hindi.

Makabubuting basahin muna ang blog post ko tungkol sa pooled fund para mas maintindihan ang mutual fund.

Ang mutual fund ay isang klase ng pooled fund o basket of investments kung saan nagi-invest ka kasama ng iba pang investors sa fund ng fund manager na siyang humahawak o nagma-manage ng pag-invest sa stocks, bonds o money market.

Ang fund manager ang siyang binabayaran natin bilang investor upang i-manage ang ating investment.

Bumubili ka ng shares sa mutual fund na tinatawag na NAVPS (Net Asset Value Per Share). Ang isang share ay nagri-represent ng halaga ng basket of investments na binili mo.

Halimbawa bumili ka ng 100 shares kahapon at ang halaga ng NAVPS ay PhP32. Ang halaga ng mutual fund mo kahapon ay PhP3,200. Kung ngayon ang halaga ng NAVPS ay PhP35, PhP3,500 na ang halaga ng 100 shares mo. Ibig sabihin kumita ka ngayon mula kahapon ng PhP300 or PhP3 per share.

Araw-araw ay maaring magbago ang halaga ng NAVPS depende sa performance ng bawat klase ng investment na nakapaloob sa mutual fund na binili mo.

Karaniwang nagbabayad ng entry fee at management fee sa fund manager ng mutual fund. Ang entry fee ay binayabayaran para tayo ay makasali sa mutual fund. Tinatawag din itong load.

Ang management fee naman ay ibinabayad natin sa fund manager ng mutual fund bilang kapalit sa kanilang serbisyo ng pagi-invest at pagiingat sa ating perang ipinagkatiwala nating ii-invest nila. Karaniwan ay binabayaran ito kada taon.

Sa mutual fund, nagiging shareholder ng mutual fund ang investor na nagbibigay sa kaniya ng voting rights. Dahil shareholder ang investor, nangangahulugan din na makakatanggap ng dividend ang investor.

Maaring malaman ang voting rights ng investor sa prospectus ng mutual fund. Karaniwang naiimbitahan sa annual general assembly ang mga shareholders upang i-exercise ang kanilang voting rights.

Ang prospectus ay isang dokumentong aprubado ng Securities and Exchange Commission bilang marketing/advertising material na naglalarawan sa mutual fund para sila ay makabenta.

Open-ended investment ang mutual fund. Ang ibig sabihin, maaring bumili at magbenta ng shares anumang oras. Mahalaga ito dahil nagbibigay ng liquidity option ang mutual fund kaya mabilis itong maging pera ulit.

Hindi insured sa Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) ang mutual fund dahil hindi ito deposito sa bangko. Ang Securities and Exchange Commission (SEC) ang nagre-regulate sa mga mutual funds.

Isa sa magandang benepisyo ng mutual fund ay tax exempt ang capital gains na kinikita dito alinsunod sa Republic Act 8424.

Mahirap hanapin ang mga mutual fund companies dahil kakaunti ang kanilang mga fronline offices. Ngunit marami na sa kanila ang maaring maabot sa pamamagitan ng internet.

Para sa listahan ng mga mutual fund companies sa Pilipinas, bumisita sa page na ito.

vincerapisura.com


13 Comments

  • Leah Marie Di Maria says:

    Hi Sir Vince, Good morning, may tanong lang po ako sana about mutual funds? Sir, alin po dito sa klase ng mutual funds ang mainam? Money market funds? Bond funds? Equity funds? or Balanced funds? Pls. enlighten me sir Vince. Thank you.

  • Mary S. says:

    magkano po ang bayad sa entry fee at management fee?

  • marta baira says:

    Wala naman pong naksulat na link sa baba.

  • Rowena says:

    Gud Eve! San po puede mag invest ng mutual fund?

    • Vincent Rapisura says:

      Nasa huli po ng article ang link. Paki-check.

    • Chris says:

      MF is an old investment vehicle, in 2002 innovations came in much better than MF bec of its plan features. I can show you the pros and cons for your preferential info.
      Best regards.

  • Imelda Atienza says:

    Magandang araw po.ang tanong ko po ay- kung sakaling hindi ko naituloy ang paglalagay ng pera sa mutual fund ko ng mga ilang taon,maaari ko p po bang makuwa ang aking investments? Mawawala po ba ang aking nainvest kung hindi ko ito naituloy (ang perang nailagay ko noong una)? Maaari ko p rin bang ituloy ito kung sakali?

    • Vincent Rapisura says:

      Kung hindi naituloy, maari pa rin pong makuha ang na-invest dati. Alamin niyo lang po kung magkano na ang NAVPS.
      Hindi naman po iyon mawawala. Maari lang po itong bumaba o tumaas, depende po sa investment fund na pinili niyo. Again, kailangan niyong alamin kung ano ang NAVPS.
      Yes, maaari pa rin itong ituloy. Wala naman po itong expiration.

  • Gilene says:

    Thank you Sir Vince for this article. Mas naging malinaw sakin ang mutual fund. Meron na akong investment sa stock market, parang gusto ko na lang stop un instead mag open na lang ako ng mutual fund.

  • Gertrude Lozada says:

    Thank you very much for this very informative article. Worth reading!

Leave a Reply

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

%d bloggers like this: