Nagbigay ako ng financial literacy training sa Milan, Italy noong March 3, 2019 bilang bahagi ng Ateneo Overseas Filipinos – Leadership, Innovation, Financial Literacy and Entrepreneurship (Ateneo OF-LIFE, formerly known as Ateneo LSE). Halos 60 ang dumating na participants kasama na ang alumni ng programa.
Money in, Money Out
Isa sa mga pinapakagawa ko sa klase ay ang paggawa ng money in money out kung saan isusulat nilang lahat ang kanilang pinagkakakitaan at pinagkakagastusan. Dati ay sa papel na worksheet ko ito pinapagawa pero mabagal na natatapos ng mga participants ito.
Gumawa ako ng money in money out online form kung saan maaring ilagay ang mga figures at automatic na ang pag-compute sa mga ito. Pagkatapos mai-submit ang online form, makakatanggap ng email ang participant na naglalaman ng kaniyang sagot at nakalagay din ang estimated age kung kailan makakapagretiro.
Passive income
Hinati ko sa dalawa ang money in portion para makitang mabuti kung alin sa mga sources of income ang passive o active. Nasusukat kasi ang retirement sa kakayahan ng passive income na i-cover ang mga expenses.
As usual, halos lahat ng mga participants ay nasa financial start up stage o walang passive income. Pero may isang sumagot na financially retired na siya.
Simple lifestyle
Inusisa ko ang participant at tiningnan ang kaniyang MIMO result. Nakita ko na hindi kalakihan ang kaniyang passive income. Pero dahil maliit din ang kaniyang expenses, madali itong na-cover ng kaniyang passive income.
Stay in domestic worker daw kasi siya kaya ang pagkain, utilities at pabahay ay sagot na ng employer. Single din siya kaya ang responsibilidad lang niya ay ang kaniyang sarili.
Plan B
Nagkakabalitaan din ngayon ayon sa kaibigan kong nagtatrabaho sa konsulato na maraming mga Pinoy ang pinapauwi ng Italian government. Kaya marami ang nangangamba na sila ay mapauwi.
Panatag naman ang loob ng participant hinggil dito. Sabi niya’y handa siyang umuwi dahil sa passive income niyang rental property ay kaya pang higitan ang kinikita niya ngayon bilang domestic worker.
USEFUL RESOURCES
Sources of information and practical tips on money management