Pag-aralan ang mga investment vehicles
Ang pagi-invest ay isang responsibilidad. Mas maganda kung hindi mo inaasa sa iba ang pagi-invest para sa huli ay wala kang sisisihin.
Madali lang matuto sa investing kung paglalanan mo ito ng panahon. Ibayong pag-iingat at masinsinang pag-aaral ang kailangan upang makuha mo ang tamang investment vehicles para sa iyo.
Ang una mong investment goal ay magkaroon ng emergency savings. Gamiting gabay ang “Saan dapat nakalagay ang emergency fund?” at para lubos na maintindihan ito basahin na rin ang “Emergency Savings o Emergency Fund.”
Mag-umpisa sa mga simpleng financial products. Pinaka-una na dito ang time deposits. Tingan ang “Understanding time deposits” upang malaman kung paano ito gumagana.
Siguraduhin ding meron ka nang SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at OWWA (kung kaw ay OFW) bago pa sumabak sa mga mas komplikadong financia products. Hindi dapat minamaliit ang mga ito dahil sa totoo lang, sulit ang mga ito dahil may suporta galing sa gobyerno.
Ang pagsali sa SSS, PhilHealth, Pag-IBIG at OWWA ay hindi lamang pagtulong sa sarili kundi isa ring paraan ng pagiging makakabayan. Ang mga ibinabayad kasi natin ay siya ding nakakatulong sa ating mga kababayan.
Kapag may sapat nang emergency savings, term insurance at kasapi ka na sa SSS, Philhealth, Pag-IBIG at OWWA, maari ka nang magsimula sa iba pang klase ng investment vehicles. Pagpipilian mo kung nararapat sa iyo ang bonds, pooled funds, PERA, rental property, negosyo o stock investing.
Napakahalaga na pag-aralan mo ang mga ito nang mabuti bago pasukin. Magbasa ng mga libro o sa internet tungkol dito at um-attend din sa mga seminars para magkaroon ng karagdagang kaalaman.