Ang mutual fund ay isang klase ng pooled fund o basket of investments kung saan nagi-invest ka kasama ng iba pang investors sa fund ng fund manager na siyang humahawak o nagma-manage ng pag-invest sa stocks, bonds o money market.
Humanap ng mutual fund
Ang mutual fund ay karaniwang makukuha sa mga licensed brokers, investment companies, ilang insurance companies, ilang commercial banks at nitong huli ay ang mga online stock brokerage firms. Laging ang tanong sa akin ay paano sila mahahanap.
Sa kabutihang palad, maaari silang makita online at ang bawat isa ay may kani-kaniyang procedure kung paano makapagbubukas ng account. Kadalasan ay hindi na kinakailangang pumunta sa opisina kasi ipapadala ang ang mga dokumento sa email at sa courier.
Para masimulan ang mga pagbubukas ng account, silipin ang “Listahan ng mga mutual funds sa Pilipinas”. Siguraduhing basahin ang prospectus ng bawat isa upang lubusang maintindihan ang pinapasok na investment.
Prospectus
Ang mutual fund prospectus ay isang legal document na requirement ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa lahat ng mga mutual funds. Ito dapat ay parating available para sa mga investors.
Ayon sa investment company rule 35-1 ng SEC, kinakailangang nakasaad sa prospectus ang investment objective at investment plan ng mga mutual funds. Kinakailangang nakasaad ang pagbubukod-bukod ng mga funds sa sumusunod:
- Risk – kung ito ay aggressive (high risk), growth-oriented (moderate risk) o kaya naman ay conservative (low risk)
- Term – kung ito ay in-iinvest ng short-term (isang taon pababa), medium term (isang taon hanggang tatlong taon) o kaya naman ay long term (mas mahaba sa tatlong taon)
- Focus – kung ano ang area of focus ng investment katulad ng sa real estate, gold mine, import-export at iba pa
- Mode – kung ano ang mode of investment, halimbawa common shares, preferred shares, loans at iba pa.
Customer information at signature card
Ito ang mga dokumentong kailangang ihanda para sa pagbubukas ng account: application form; client suitability assessment, investment application form; signature card at isang government-issued valid identification card; tax identification number (TIN).
Maaring ma-download ang mga forms sa kanilang website.
Ang government-issued valid ID ay bahagi g KYC o Know Your Client compliance ng mutual funds. Sinisiguro nilang wala ka sa listahan ng mga terorista o money launderers at galing sa malinis na paraan ang pumapasok at lumalabas na pera sa iyong account.
Bibigyan ka din nila ng signature card para ito ang gagamitin nila na i-verify na ikaw ang gumagawa ng transaksyon in the future.
If I may share my experience, I always prefer to invest online for faster transaction and convenience. I only need to go 1 time to open the account via the bank (for UITF) or open an account via a stock brokerage company COL Financial (for Mutual Funds). After the initial account opening, I can add or subsribe via online already. I can also redeem via online. Very quick, no traffic, no more paper work to fill out every time you add or redeem. It’s very convenient. Ask your bank how to do this for UITF. Or check out COL Financial on how to open an account so you can subscribe to a lot of mutual funds via their platform whether Sunlife, ATR, Philam, Philequity, etc. Kudos to you Sir Vince for the very informative articles.
Salamat din po sa info.