Ang mutual fund at UITF ay parehong halimbawa ng pooled funds na maari mong gamitin upang pagandahin ang iyong investment portfolio. Alin ba ang mas maganda sa dalawa?
Makabubuting basahin muna ang blog post ko tungkol sa pooled fund para mas maintindihan ang mutual fund.
Dahil parehong pooled fund ang mutual fund at UITF, pinagsasama-sama ng mga professional fund managers ang investments ng maraming investors para ito ay ilagay sa stocks, bonds o kaya naman ay money market.
Parehong basket of investment ang mutual fund at UITF. Dahil dito hindi na kinakailangang bumili ng isa-isang stock, bond o money market upang magkaroon ka nito sa iyong portfolio. Ito ang isa sa mga advantages ng pooled fund, nagkakaroon ng diversification.
Mas kakaunti ang babayarang fee sa UITF dahil hindi na kinakailangang magbayad ng entry fee unlike sa mutual fund.
Sa mutual fund, magiging shareholder ang investor kaya siya ay may voting rights at makakatanggap ng dibidendo. Wala nito sa UITF.
Parehong may management fee ang UITF at mutual fund.
Isa din sa magandang benefit ng mutual fund at UITF ay open-ended ito. Ibig sabihin maaring bumili at magbenta ng shares o units anumang oras. Dahil sa feature na ito, marami ang nahihikayat na dito ilagay ang kanilang emergency savings o emergency fund.
Para sa akin, kailangang mag-ingat kung ang emergency savings ay ilalagay sa UITF at mutual fund. Ito ay dahil maaring bumaba ang value ng share o unit. Isa pa, hindi ito insured.
Kaya mas maganda pa rin na sa time deposit ilagay ang malaking bahagi ng emergency fund o emergency savings.
Nakakabawi naman ang mutual fund sa tax exempt status nito sa capital gains at sa potensyal na dividends na maaring ibigay versus UITFs.
Para sa listahan ng mga mutual funds sa Pilipinas, click here.
Para sa listahan ng mga UITFs sa Pilipinas, click here.
Hi Sir Vince,
Sir, Baka po matulungan nyo ako, medyo confuse lang kasi ako sa mga mutual funds dito sa US? Baka po may maisshare kayo kung anong mutual funds company? Thank you so much.
Hello sir Vince, ano pong magandang investment katulad ko na isang ofw? Pa advice naman po
Hello Sir Vince, pwede po ba maka request ng explanation ng bawat UITF (ex: Balanced fund, Bond Fund, Money Market, etc). Interested po ako malaman ang mga to kc gusto ko po mag invest pero gusto ko po muna malaman bawat isa at mapag aralan. mahirap po kc intindihin ung explanation ng mga bangko sa website nila, mas madili po kapag kc naipaliwanag mo.. salamat po..
Basahin po ito: http://vincerapisura.com/mga-investment-fund-na-dapat-intindihin-bago-pasukin-upang-kumita/
Anu po pinag kakaiba ng equity,balance market fund po.. kaya po b ng minimum earner makapag invest Jan? Tia. Nag tingin po aq pero ang daming choices. D ko Alan f any pipiliin.