Must have insurance for people in their 20s
Life insurance
Income replacement ang primary purpose ng life insurance. Ibig sabihin, kung ikaw ay mawawala, may makukuhang “income replacement” ang mga beneficiaries. (Basahin: Magkano ba dapat ang life insurance)
Dapat dependents mo ang mga beneficiaries mo. Halimbawa dito ay ang iyong mga anak. Kung mawawala ka, mawawalan sila ng breadwinner, kaya ang insurance ang sasagot dito bilang “income replacement.”
Sa ganitong paraan, hindi na sila mahihirapan financially. Makakabangon sila sa kanilang pagluluksa sa iyo nang mas mabilis dahil naging responsable kang magulang.
Kakailanganin mo din ang life insurance kung may pagkakautang kang maaring maipasa sa mga maiiwan mo. Halimbawa na dito ay kung may utang kayo ng asawa mo. Kung mamamatay ka, magiging obligasyon ng naiwang asawa mo ang utang. (Basahin: Insurance terms na kailangan mong malaman at matandaan.)
Kapag may mga magulang ka na hindi na nakakapagtrabaho at dependent na sila sa iyo, kailangan mo din ng life insurance. Para sakaling mauna ka sa kanila, may tutustos sa kanilang pangangailangan bilang income replacement.
Car insurance
Ang isa sa mga pinaka-unang pangarap matupad ng mga nasa 20s ay ang pagkakaroon ng sariling sasakyan. Iwasan ang pagiging padalus-dalos sa desisyong ito dahil malaki itong dagdag sa gastusin kada buwan hindi lamang sa monthly amortization kundi na rin sa maintenance at car insurance. (Basahin: “Gabay sa pagkuha ng car loan” o Panoorin: Car loan)
Siguraduhing isama sa budget ang pagkuha ng car insurance kapag kukuha ng sasakyan. Ang suggestion ko ay dapat comprehensive insurance ang kuhanin. Kung hindi mo ito kayang bilhin at nanghihinayang ka, hindi pa panahon para ikaw ay magka-sasakyan.
Ang car insurance kasi ang sasagot sa mga gastusin sakaling maharap sa banggaan at aksidente.
Insurance for protection, not investment
Marami sa mga baguhan sa insurance ang maakit sa mga investment-linked insurance o yung tinatawag na VUL (Variable Universal Life) insurance. Sana ay maiwasan nating mahulog sa patibong na ito.
Ang mga insurance companies kasi ay naka-focus sa pagte-train ng mga sales agents na ito ang kanilang ibenta, kaya hindi ko din masisi ang mga insurance agents na ito ang alam nila.
Gaya ng sinabi ko sa itaas, ang insurance ay para sa protection, hindi para sa investment. Kapag pinaghalo ito, masa mahal ang kakalabasan. Kaya dapat, ipagpilitang term insurance or pure protection insurance lamang ang kukunin. (Basahin: Bakit mas mahal ang VUL? o Panoorin: Why not VUL?)
Ang dapat mong gawin ay ang tinatawag na BTID o ang Buy Term Invest the Difference na strategy. Ito ay kung saan inihihiwalay ang pagkuha ng life insurance sa pag-iinvest. Kapag ito ang ginawa, makakaiwas sa malaking charges and fees at mas marami ang mapupunta sa iyong investment fund. (Basahin: Epektibong paggawa ng BTID upang masulit ang pinaghirapang pera sa insurance at investment)
Insurance is not about age
Sa huli, ang insurance ay hindi tungkol sa kung ilang taon ka na kundi kung ano ang kalagayan mo sa buhay. Kinakailangang intindihin kung ano ang panganib na maari mong kaharapin at kakailanganin mo ng financial protection para labanan o maibsan ito.
Para sa mga iba pang impormasyon tungkol sa insurance, maari mong bisitahin ang mga listahan ng mga blogs: Insurance 101 at BTID archives.