May dalawang general categories ang life insurance – traditional life insurance policies at ang investment-linked insurance policies. Ang traditional life insurance policies ay may tatlong klase – term, permanent at endowment. (Basahin: Iba’t-ibang klase ng insurance)
Bibigyang pansin ko ngayon ang pinakamura at pinakasulit na life insurance – ang term insurance.
Ang term insurance ay nagbibigay ng proteksyon sa loob ng isang panahon o “period”. Kapag ang period na iyon ay lumipas na, kailangan itong i-renew kung gustong ipagpatuloy ang proteksyon.
Karaniwang mas mura ng sampung beses o higit pa ang term insurance kumpara sa permanent at endowment insurance dahil wala itong cash value. Ang cash value ay ang ibibigay ng insurance company sakaling i-surrender o kakanselahin ang insurance policy.
Mura lang dapat ang life insurance
Laging gamiting gabay ang aking 5-15-20-60 budgeting rule, kung saan 5% lang ng kita sa isang taon ang nakalaan para sa premium na binabayaran. Kung lampas dito ang binabayaran mo, malamang ay mahal ang klase ng insurance na nabili mo. (Panoorin: 5-15-20-60 Budgeting Rule)
Base sa edad mo, ito ang estimated na annual premium sa isang milyong coverage ng term life insurance as of April 2018:
Age | Annual Premium(in Pesos) |
21-30 years old | 5,500 to 6,700 |
31-40 years old | 6,900 to 8,900 |
41-50 years old | 9,500 to 14,350 |
51-60 years old | 15,000 to 21,000 |
Lahat ng insurance company may term insurance
Ang pinaka-naloloka ako sa mga dulog sa akin ay may mga insurance agents daw na nagsasabing hindi sila nagbebenta ng term insurance. Dati daw ay meron nito, pero ngayon ay wala na.
Isang kabalintunaan.
Lahat po ng insurance company ay may term insurance. Banggitin niyo ang pinaka-malaki, pinaka-sikat o kaya naman ay pinaka-maliit na life insurance company at sasabihin nilang meron silang term insurance.
Kaya mabuting humanap ng maayos na insurance agent. (Basahin: Paano pumili ng insurance agent)
Ang life insurance ay para sa income replacement
Ito ang mga nararapat na gamit ng life insurance:
- Panggastos sa pang-araw-araw na pangangailangan ng asawa at mga anak para hindi mabago ang kanilang lifestyle;
- Pampaaral sa mga anak;
- Ipagpatuloy ang pambayad sa bahay;
- Pagbayad ng naiwang utang kung mayroon man.
As a general rule, hindi mo kinakailangan ng life insurance kung wala ka nang o wala kang dependents. Kailangang kasing may papalit sa income mo para tustusan ang kanilang pang-araw-araw na pangangailangan, pag-aaral at bahay.
Kapag wala kang dependents, mas mahalaga na magkaroon ka ng health insurance dahil ito kadalasan ang may pinakamataas na gastusin sa panahon ng emergency. Mangangahas pa akong magsabing mas kailangang ng lahat ang health insurance kaysa life insurance.
Kung ang assets mong maiiwan sa iyong pagkamatay ay mas malaki kaysa sa iyong mga utang, hindi rin kinakailangang kumuha ng life insurance. Dahil sapat na pambayad ang iyong mga ari-arian na pambayad dito kung ililiquidate na.
Term insurance is best
Ang pinakamagandang startegy sa pagbili ng insurance ay ang tinatawag na Buy Term and Invest the Difference (BTID). Sa ganitong paraan hindi magbabayad ng maraming charges at hindi rin magsisimula sa 0 ang iyong fund value na karaniwan sa mga investment-linked insurance. (Bisitahin: Reading on investment-linked insurance)
Mas mataas din ang kikitain kung mag-iinvest kumpara sa cash value na mabibigay ng permanent life insurance at endowment life insurance. (Basahin: Paano gawin ang BTID)
Hi, Sir Vince!!! I’m looking for a good health insurance. I’m 57 years old. What do you recommend?
Sino sir ang insurance agent mo?
Si Francesca Magallon. Look for her on Facebook.
Ano po ang magandang health insurance? Ano ang dapat iconsider?
sir vince,dun sa term insurance,sb ng ahent hnd dw po pwde s ofw is it true?
Hi Sir Vince. Sa BTID for 10 years. Pano po ang computation kung magkano po dapat ang Life Insurance Benefit? Thank you
Can you recommend a good term insurance sir?
Lahat po ng insurance companies ay may term insurance. Take your pick. =)
tanong ko lang sir vince. need ba ako kumuha ng term insurance kahit nasa abroad ako? well, may sss ako now at regular ako naghuhulog since 2010, just in case kukuha ako ng term insurance magagamit ko ba yan kahit nandito ako sa abroad?
yes, dapat may term life insurance pa din. usually nasa exclusions kung hindi puwede sa ibang bansa ang insurance na nakuha mo. usually sa mga conflict countries like iraq, syria etc. so basahin po ang poicy
Yes meron po. 😊 I already bought mine.
pano po ang pag avail ng murang life insurance sir vince?
Humanap po kayo ng matinong insurance agent – yung alam ang term insurance. Lahat po ng insurance company ay may term insurance.
Kabilang ba sa health insurance ang critical illness insurance at disability insurance?