Si Arlene Torres, 46, ay isang fruit vendor sa Bislig City, Surigao del Sur. Kamakailan ay na-ospital siya dahil nagkaroon siya ng mild pneumonia at skin disease.
“Wala po akong binayaran sa ospital dahil sa PhilHealth bilang miyembro ng ‘Pantawid (Pamilyang Pilipino Program)’,” sabi ni Arlene.
“Sa halagang PhP20 kada linggo sa microinsurnace (bayad sa premium), may PhP65,000 life insurance benefit at PhP150 hospitalization income benefit,” dagdag pa niya.
Microisurance ang tawag sa insurance para sa mahihirap. Nilalayon nitong magbigay ng proteksyon sa mga emergencies sa murang halaga. Ito ay isang programa ng gobyerno sa ilalim ng Insurance Commission.
Ang mga Mutual Benefit Associations (MBA) ay karaniwang nagbibigay ng microinsurance products and services. Ang mga miyembro ng MBA mismo ang nagmamay-ari ng MBA. Hindi nito layong kumita para magbigay tubos sa mga miyembro. Bagkus ay magbigay ng proteksyon sa panahon ng emergencies at kalamidad sa mga miyembro.
Ang mga commercial o malalaking insurance companies ay mayroon ding microinsurance. May profit objective of naglalayong kumita ang mga commercial insurance companies para sa kanilang mga stockholders, di tulad ng MBAs.
Ang mga Microfinance Institutions (MFI) sa Pilipinas ang karaniwang tagapaghatid ng microinsurance products sa Pilipinas kasabay ng pagbibigay nila ng loans and savings products. Ang mga MFIs ay maaring isang cooperatiba, rural bank o Non-Government Organization (NGO). Nakikipag-partner ang mga MFIs sa mga MBAs at mga commercial insurance companies bilang mga agents sa pagbebenta ng insurance sa mahihirap.
Habang nagpapagaling, masayang banggit ni Arlene, “Hindi totoo na pang-mayaman lang ang microinsurance. Magaan itong bayaran at malaki ang tulong.”
Maaring mamakuha ng impormasyon tungkol sa mga MFIs sa website ng Microfinance Council of the Philippines at Mindanao Microfinance Council.
Hi sir vince,interesting yan,try ko sa bacolod,i hope meron
Po sa bacolod
hi po san po kmi pwde mkakuha ng insurance sa microfinance sir at paano po
nandiyan po sa article ang network kung saan niyo makikita ang miyembrong microfinance institutions. Pakihanap na lang po.
pag bulacan residence po saan po pwedeng mag apply ng micro insurance?
nandiyan po sa article ang network kung saan niyo makikita ang miyembrong microfinance institutions. Pakihanap na lang po.
Sir,pwede ba akong mag uply kahit nandito ako sa abroad?56 years old na po ako sir, maraming salamat po.
Hindi po. Kailangan nasa Pilipinas. Yan po ang batas.
Tanong Ko LNG po paano po makkakuha Ng insurance Balak Ko po Kuhann Ang Mga kapatid Ko at magulang
nandiyan po sa article ang network kung saan niyo makikita ang miyembrong microfinance institutions. Pakihanap na lang po.